HALOS hindi makagalaw ang isang 23-anyos na binata makaraang tumilapon sa kalsada nang masagi ng isang sports utility vehicle (SUV) sa eastbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sa panulukan ng V. Mapa Street sa Sta. Mesa, Manila.
Isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Diosdado Tagalog y Delatado, residente ng Sampaloc, Manila.
Habang isinasailalim naman sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng kotseng Lexus na may plakang NCO-1380, na si Gerwin Bryan Go y Ang, residente ng San Juan City.
Base sa ulat ni P/Cpl. Jhon Ceazar Ancheta ng MDTEU, nangyari ang insidente bandang alas-8:10 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Habang binabagtas ng dalawa ang lugar nang masagi ng SUV ang bisikleta ng biktima.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at bumagsak sa kalsada.
Nahaharap ang driver ng SUV sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property. (RENE CRISOSTOMO)
