SILVERIO KAMPEON SA MEDIA 9-BALL FINALS

FIRST runner-up si Eric Silverio (kaliwa) ng Manila Times sa Class A at si Jojo Perez, Pilipino Star, ang nagwagi sa Class B Division. (Ulat at larawan ni Jun Villarica)

TINANGHAL bilang overall champion si Eloisa Silverio ng Saksi Ngayon sa katatapos lamang na Centro News’ 3rd Invitational Media 9-Ball Tournament sa Class A category na ginanap sa 923 Billiards, Vista Mall, Lungsod ng Malolos noong July 22-23, 2026.

Bukod kay Silverio, kampeon din sa Class B category si Jojo Perez ng Pilipino Star kung saan nasa 22 journalists mula sa Metro Manila, Zambales, Pampanga at Bulacan ang nagtunggali sa nasabing 9-ball tournament double knockout mechanics.

Sa ibinigay na three-ball handicap na 5-7-9 partida, tinalo ni Silverio sa score na 7-2 (Race to 7) sa knockout championship game si Erick Silverio ng Manila Times na naiuwi naman ang 1st runner-up prize.

Bagamat mayroong pribilehiyo na 5-7-9 partida, hindi naging madali para kay Silverio ang 4-straight wins para maging kampeon sa nasabing torneo.

Sa elimination ay natalo agad si Silverio sa unang game nito kontra sa Manila Times correspondent na si Erick Silverio at bumagsak sa losers bracket.

Sa losers bracket ay isa-isang ginapi ni Silverio ang mga pawang lalaking katunggali nito una na ang freelance veteran journalist na si Joseph Parafina sa score na 6-4 (Race-6), kasunod niyang tinalo ang defending champion na si Sam Nielsen ng Super Radyo DZBB sa score na 6-3.

Sa Semifinals ay tinalo naman ni Silverio ang batikang radio commentator/ columnist na si Archie Jimenez sa score na 6-5 para makapasok sa finals.

Muka sa Class B category ay umakyat si Silverio sa Class A at nag-iisang babaeng players na sinuyod at nagpapanalo sa nasabing division kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay unang babae na nagkampeon.

Samantala, si Perez naman ang naging kampeon sa Class B category sa twice to beat mechanics matapos gapiin si Maverick Marcelo ng Radyo Bandera (1st runner-up) sa score na 6-5 Race to 6 game mechanics.

Wagi rin sa Class B division sina Jeff Tumbado 2nd runner-up at Isagani Navarro ng ABC 5, 3rd runner-up.

Naiuwi ng tinanghal na kampeon ang trophy at P10,000 cash, P6,000 sa 1st runner-up, P4,000 sa 2nd R-up at P2,000 sa 3rd R-up parehong premyo sa Class B Division.

Ito ay inorganisa ng Centro News, isang online news website o digital news portal at local newsprint sa Bulacan.

Pinasalamatan din ng Centro News ang mga sponsor sa pangunguna nina Gov. Daniel R. Fernando, Vice Gov. Alexis Castro at Malolos City Mayor Christian Natividad.

84

Related posts

Leave a Comment