Ni FRANCIS SORIANO
DAHIL sa pagnipis ng supply ng kuryente sa epekto ng El Niño, nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) na posibleng tumaas ang singil sa kuryente dahil nagkakaroon ng pressure sa spot market tuwing numinipis ang supply nito.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, muling isasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid na nagdulot ng pagnipis sa electric supply ng rehiyon mula alas-10:00 hanggang alas-11:00 Martes ng umaga.
Mararanasan din umano ito ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.
Gayunman, nauna nang nilinaw ng Department of Energy (DoE) na hindi maaaring mauwi sa brownout ang pagnipis ng reserba.
Bunsod nito ay nakikipag-ugnayan na ang DoE sa mga power industry players at mahigit na binabantayan ang maayos na delivery ng electricity services sa mga consumers.
213