LAGUNA –Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating pulis habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay noong Martes ng gabi sa Brgy. Parian, Calamba City.
Kinilala ng Calamba City Police ang biktimang si Ramonito Suarnaba Tomo, dating PNP member.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa BFP Regional Office na isang lalaki ang pinagbabaril nang walang dahilan ng hindi kilalang mga suspek bandang alas-6:55 ng gabi.
Tinamaan ng dalawang bala sa ulo ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.
Dinala ng BFP personnel si Suarnaba sa Calamba Medical Center para malapatan ng lunas ngunit idineklarang dead on arrival.
Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Calamba CPS hinggil sa insidente. (CYRILL QUILO)
221 