SINOVAC VACCINES DUMATING NA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong at pagtanggap sa COVID-19 vaccine ng Sinovac galing sa bansang China.

Kasama ng pangulo si Chinese Ambassador Huang Xilian, ang buong miyembro ng kanyang gabinete at si Senador Bong Go na sumalubong sa nasabing bakuna sa Villamor Air Base sa lungsod ng Pasay.

Sa welcome ceremony, makikita na nag-fist bump sina Pangulong Duterte at Ambassador Huang Xilian.

Sinaksihan ni Pangulong Duterte ang uploading ng bakunang Sinovac mula sa eroplano at ininspeksyon din ang mga vials. (CHRISTIAN DALE)

213

Related posts

Leave a Comment