SNATCHER AKTIBO NA NAMAN SA MAYNILA

HINDI nakaporma ang isang 25-anyos na lalaki nang matimbog makaraang hablutan ng cellular phone ang isang pasahero ng jeepney sa Ermita, Manila nitong Miyerkoles ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 293 ng RPC (robbery snatching) ang suspek na kinilalang si Ferdie Marquez y Reyes, may live-in partner, miyembro ng Bahala Na Gang (BNG), at residente sa #1323 Guerrero St., Ermita, Manila.

Ayon sa pulisya, bandang alas-11:37 ng tanghali nang hablutan ng suspek ng cellular phone ang biktimang si Maria Cristina Rodil, 31-anyos, may asawa, office staff, ng Pres. Quirino Avenue, Malate, Manila, habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep sa panulukan ng A. Mabini at Padre Faura streets sa Ermita, Manila.

Salaysay ng ginang sa mga awtoridad, sakay siya ng jeep ngunit habang may ka-text ay hinablot ng suspek ang kanyang VIVO S1 Pro cellphone na P17,000 ang halaga.

Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima na sumigaw na nakatawag ng pansin sa nagpapatrulyang sina P/Cpl. Julius Wei Wei Quillope, P/Cpl. Eric Quimson, Pat. Cedy Regala, Pat. Roy Valler at Pat. Aldrin Vacunawa, pawang nakatalaga sa District Mobile Force Battalion ng Manila Police District.

Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa makorner ito at nabawi ang hinablot na cellphone.

Bago dinala sa Station 9, dinala muna ang suspek sa Tondo General Hospital para sa medical Examination. (RENE CRISOSTOMO)

241

Related posts

Leave a Comment