SUMIDHI ang pagkakaisa ng mga mambabatas mula sa mga lalawigan sa North Luzon na himukin si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na tumakbo sa pampanguluhan sa susunod na eleksyon.
Ito ay dahil sa nakikitang malaking tsansang manalo si Bongbong o BBM sa 2022 election.
Kung pagbabasehan ang latest survey na inilabas ng Publicos Asia, Inc., si Marcos na mas gustong tawagin na lamang siyang Citizen Bongbong, ay nakapuntos ng 17.8 percent rating at pumangalawa kay presidential daughter Sara Duterte-Carpio na umiskor ng 20.8 percent.
Kapansin-pansin din sa mga nakalipas na survey na laging nakadikit ang puntos ni Marcos kay Duterte-Carpio. Ito ay sa kabila na hindi nakapwesto ngayon sa gobyerno si Marcos.
Ang mga political leader na karamihan ay alkalde, kongresista at gobernador na bumubuo sa tinaguriang Solid North dahil sa kakayahang magdikta ng block votes ay nananatiling buo ang suporta kay Marcos.
Nitong nakalipas na Linggo, nakipagkita kay Marcos ang Solid North leaders sa pangunguna nina Isabela Gov. Rodito Albano at League of Municipalities president at Narvacan town Mayor Chavit Singson, kasama ang nasa halos 30 mambabatas mula sa upper regions ng Luzon.
Sa nasabing pulong na tinawag ni Senador Imee Marcos bilang pre-SONA merienda at ginanap sa Marcos old house sa San Juan City ay hinimok ni Singson at iba pang solid North leaders na tumakbo si Bongbong sa pagka-presidente sa halalan sa susunod na taon.
Maging si Marinduque governor and League of Provinces president Presbitero Velasco, na dumalo rin sa pagpupulong ay nakikiisa sa pagkumbinsi kay BBM na lumahok sa presidential race and “reach for his dream.”
Gayunman, wala pa ring desisyon si BBM dahil abala ito sa pagtulong sa mga labis na apektado ng kasalukuyang pandemya dulot ng COVID-19.
Kabilang sa mga naabutan na ng tulong ng dating senador ang mga government frontliner at iba pang mga nangunguna sa laban upang masugpo ang nakamamatay na corona virus.
Sa nasabing pre-SONA merienda sa Marcos old house ay pinag-usapan ng northern alliance ang paparating na halalan at ang mga resulta ng survey na pawang nagpapakita ng magandang numero para kay BBM.
“It was at that point that Manong Chavit stood up and enjoined the group to remain united and committed should Bongbong file his candidacy for president this coming October,” ayon sa isa sa mga mambabatas na dumalo sa pagtitipon.
Dagdag pa niya: “Our encouragement for BBM to join the presidential race is anchored on our voting culture as a solid alliance that by default, we always stick to our own candidate in the national elective position.”
