Solon nagbabala sa ‘di malinaw na checkpoint guidelines FOOD SHORTAGE NAPIPINTO

kamara1

NAGBABALA si Senador Win Gatchalian na maaaring magkaroon ng food crisis sa bansa kung hindi aaksyunan ng gobyerno ang patuloy na problema sa checkpoints na sanhi ng
mabagal na delivery ng mga pagkain.

Sinabi ng senador na tila hindi nasusunod ang food resiliency protocol na iminungkahi ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa mabilis na pagdaloy ng
food supply sa bansa.

Aniya, may iilang talipapa na ang nagbebenta ng karne ng kalabaw dahil sa kakulangan ng karne ng baka sa merkado.

Dapat aniyang magkaroon ng malinaw na guidelines ang national government na siyang susundin ng mga lokal na pamahalaan sa mga checkpoint na siya ring magiging panuntunan ng mga pulis na nakaposisyon para pare-pareho ang galaw.

“Isa itong halimbawa ng kakulangan sa koordinasyon mula sa national government pababa sa mga lokal na pamahaalan, isama na diyan ang pulisya. Iba sinasabi sa taas pero iba ginagawa sa baba”, ani Gatchalian. NOEL ABUEL

153

Related posts

Leave a Comment