SOLON: P200-B COVID-19 FUNDS, PARA SA LAHAT

kamara1

TINIYAK kahapon ni Senadora Grace Poe na makararating sa lahat ng mamamayang Filipino ang pondong P200 bilyon na kakailanganin ayuda habang isinasakatuparan ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang Abri 14.

“We support the government’s move to provide more funds to combat and mitigate the impact of COVID-19,” banggit ni Poe.

Idiniin din ni Poe na “We have to ensure that adequate funds are earmarked for social assistance.

These funds need to reach the poorest of the poor, not only in Luzon, but all over the country.”

Inilabas ng senadora ang kanyang posisyon hinggil sa isasagawang special session ng Kongreso upang talakayin at ipasa ang P200 bilyon suportang pondo ng administrasyong Duterte na ilalaan bilang ayuda sa pagkilos ng pamahalaan laban sa COVID – 19.

Sa pulong ng pamunuan ng Kongreso sa mga kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinangunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, walang eksaktong halaga kung magkano ang ipapasa ng Kongreso na supplemental fund na napagkasunduan ng dalawang sangay ng pamahalaan na ipamamahagi sa lahat ng apektado ng COVID – 19 sa bansa, hindi lang sa Luzon.

Ngunit, ayon kay Senate President Vicente Sotto III ay posibleng umabot ito sa P200 bilyon.

Nitong Sabado, sabi ni Sotto ay P27 bilyon ang kailangan para sa Luzon lang.

“We need to support our frontline healthcare workers, who are now dealing with the impact of the disease. We should also extend assistance to affected entrepreneurs and businesses which are bearing the weight of the inactivity of the economy,” paliwanag ni Poe. NELSON S. BADILLA

122

Related posts

Leave a Comment