(NI ROSE PULGAR)
NI-REJECT ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang paghingi ng paumanhin ng may-ari ng isang Chinese vessel na nakabangga sa isang Filipino fishing boat na naganap sa Recto Bank nitong buwan ng Hunyo.
Pahayag ito ni Locsin sa kanyang official twitter nitong Miyerkoles.
“Hey morons! I merely NOTED the Chinese apology. I did not accept it. I am not a fisherman,” ani Locsin.
Ang naging pahayag ni Locsin sa kanyang twitter account ay kabaliktaran sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na sinasabi nito na kuntento siya sa hakbangin ng may-ari ng isang Chinese vessel na nakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy.
Nabatid na ang may ari ng Chinese vessel ay nagpadala ng letter of apology, na may lagda ni Chen Shiqin, presidente ng Guangdong Fishery Mutual Insurance Association.
Ipinadaan nito sa fisheries bureau ng China Ministry of Agriculture and Rural Affairs, ang ahensiyang nakatalaga sa Beijing, para humawak ng insidente sa Recto Bank.
Ayon ito kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana.
May bahagi sa sulat na isinalin ng embahada na siyang ipinadalang memorandum kay Locsin nitong Miyerkoles (Agosto 28). Magugunita na noong Hunyo, ang 22 Pinoy crew members ay iniwan sa Recto Bank matapos banggain ng isang Chinese vessel ang kanilang fishing boat, na kalaunan ay ni-rescue ng dumaraang Vietnamese vessel.
269