Balitang ‘di Kanais-nais
KAYA pala tahimik na tahimik itong ating Speaker of the House Kuya Bodjie Dy sa usaping ghost flood control projects ay dahil nabanggit din ang kanilang pangalan ng DPWH officials at mga contractor, na nagkamal umano ng limpak-limpak na salapi kabilang ang kanyang kadugo na si Isabela 6th District Congressman Inno Dy, kaya no investigation, mga Ka Balitang ‘di Kanais-nais.
Mas makabubuti sigurong simulan na ni House Speaker Bojie Dy ang imbestigasyon sa mga kongresista na pinangalanan na umano’y sangkot sa ghost flood control projects, na bilyon-bilyong piso ang napunta lang sa bulsa.
Ipakita mo Speaker Dy, na mali ang akusasyon sa ‘yo ni Congressman Toby Tiangco na sunud-sunuran ka sa nanaisin ng magtiyuhing sina dating Speaker Martin Romualdez at Majo. Sandro Marcos kaya tikom ang iyong bibig sa pag-utos sa malalimang imbestigasyon sa ghost flood control projects. ‘Di naman siguro?
Muli, nasaan na ba ang ingay ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na bagama’t may isinumite nang mga pangalan ang komisyon sa Ombudsman, ay tila may pinapaboran at piling-pili ang kasalukuyang pinaiimbestigahan. ‘Di ba 104 na pangalan ang inilabas niyo? Alyansa ng Manggagawa sa Konstruksiyon (AMK).
Para sa kaalaman mo Speaker Dy, may hawak ang AMK na listahan ng mga kongresista na pinangalanan ng DPWH officials at mga contractor, na nagtamasa ng daang milyong piso at ang iba ay bilyong piso pa, na walang naipakitang proyekto.
Umaabot sa 104 pangalan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang nasa listahan, kung saan nakakalap ng liham ang Balitang ‘di Kanais-nais mula sa AMK, na naka-address kay ICI Chairperson Andres Reyes, nakasaad ang Formal Demand for Expansion of the Flood Control Anomaly Probe.
Speaker Dy Sir, ang 104 kongresista ang pinangalanan, at ito ang karugtong ng huling yugto, Surigao Sur 2nd Dist. Rep. Johnny Pimentel, GP Party-List Rep. Jose Padiernos, Oriental Mindoro 1st Dist. Rep. Arman Panaligan, Bulacan 6th Dist. Rep. Salvador Pleyto, Quezon City 3rd Dist. Rep. Franz Pumaren, QC 4th Dist. Rep. Marvin Rillo, SJDM Lone Dist. Rep. Florida Robes, 1 Pacman Party-List Rep. Michael Romero, Camiguin Lone Dist. Rep. Jurdin Romualdo, Negros Oriental 2nd Dist. Rep. Manuel Sagarbarria, Bulacan 3rd Dist. Rep. Lorna Silverio, Quezon 2nd Dist. Rep Jayjay Suarez, Occidental Mindoro Lone Dist. Rep. Leody Tarrieta, Negros 3rd Dist. Rep. Arnolfo Teves, ACT-CIS Party List Rep. Jocelyn Tulfo, QC 2nd Dist Rep. Ralph Tulfo, Bukidnon 3rd Dist. Rep. Jose Maria Zubiri at Isabela 4th Dist. Rep. Joseph Tan.
Kabilang ang mga kongresistang nabanggit sa maanomalyang ghost flood control projects na hanggang sa ngayon ay tahimik at walang ginagawang imbestigasyon ang Kongreso sa pamumuno ni Speaker Dy, maging ang biglang pinaglahong ICI.
Para siguro sa sambayanang Pinoy, huwag nang umasa pa na magkakaroon ng imbestigasyon sa mga dawit na mga kongresista na pinangalanan ng DPWH officials at mga contractor, na umano’y involved sa ghost flood control projects, na hanggang sa ngayon ay tahimik at malaya sa imbestigasyon. Ipakita mo Sir Speaker Dy, na may sarili kang mandato sa pagpapalakad ng House of Representatives at hindi ‘yung pinararatangan ka ni Rep. Tiangco na isa kang sunud-sunuran.
Para sa mga Ka Balitang ‘di Kanais-nais, sa susunod na mga araw ay nais nating kalampagin ang makisig at matalas sa pananalita na si Tingog Party-List Rep. Jude Acidre, na naging tahimik at tila naputulan ng dila matapos na ibunyag ni Congressman Toby Tiangco ang tumataginting na almost 6 billion pesos insertion na dapat ay sa District Rep. napupunta?
57 