NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng serye ng special non-working days sa iba’t ibang lalawigan at lungsod upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na maipagdiwang ang mahahalagang lokal na okasyon, anibersaryo, at kapistahan.
Sa ilalim ng Proclamation Nos. 1170 at 1171, idineklara ang Marso 6 bilang special non-working day sa: Gutalac para sa ika-47 Araw ng Gutalac at Tadian para sa Ayyoweng Di Lambak Ed Tadian Festival.
Sa Proclamation No. 1172, idineklara naman ang Marso 14 bilang special non-working day sa Passi kaugnay ng Founding Anniversary nito bilang component city.
Sa Proclamation Nos. 1174 at 1175, itinakda ang Marso 16 bilang special non-working day sa:
Davao City para sa Araw ng Pasasalamat bilang bahagi ng 89th Araw ng Davao
Lugait para sa Foundation Anniversary nito
Sa Proclamation Nos. 1176 at 1177, idineklara ang special non-working day sa:
Tayug sa Marso 17 para sa Founding Anniversary
Kawayan sa Marso 19 para sa Charter Anniversary
Sa Proclamation Nos. 1178 at 1179, nagdeklara rin ng special non-working day sa:
Canlaon sa Marso 19 para sa Pasayaw Festival 2026 at Charter Day
Tabaco sa Marso 24 para sa ika-25 Cityhood Founding Anniversary
Lahat ng proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Sec. Ralph Recto noong Pebrero 20, 2026, sa pahintulot ng Pangulo.
Samantala, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1173, idineklara rin ang Marso 14, 2026 bilang special non-working day sa Second Legislative District ng Antipolo upang mapadali ang pagsasagawa ng special election kasunod ng pagkamatay ni Romeo Acop noong Disyembre 20.
Alinsunod sa Republic Act No. 6645, na inamyendahan ng Republic Act No. 7166, inaatasan ang Commission on Elections na magsagawa ng special election kapag may permanenteng bakante sa House of Representatives isang taon bago matapos ang termino. Itinatakda rin na ang halalan ay dapat isagawa nang hindi mas maaga sa 60 araw at hindi lalampas sa 90 araw mula nang mabakante ang posisyon.
(CHRISTIAN DALE)
1
