20 INDIE FILMS SA 15TH ANNIVERSARY NG CINEMALAYA FILMFEST

CINEMALAYA-3

(Ikatlong bahagi / Ni  Ann Esternon)

Ang indie films na kalahok para sa ika-15 taong anibersaryo ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay kasalukuyang mapapanood sa Manila, Pampanga, Naga, Legaspi, Iloilo, Bacolod at Davao hanggang sa Agosto 13.

Ang Cinemalaya film festival sa Manila ay mapapanood din sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay.

  1. PANDANGGO SA HUKAY

Ang paghahanda ng isang midwife sa isang maliit na bayan para sa kanyang job interview ay nasira ng serye ng mga hindi kanais-nais na pangyayari.

Buod:

Si Elena ay isang midwife at breadwinner ay naghahangad ng magandang kinabukasan ng kanyang pamilya. Sa bisperas ng kanyang paghahanda ng kanyang job application at interview sa Saudi Arabia, nakita na lamang niya ang kanyang sarili sa isang hindi pamilyar na lugar dahil siya ay nakidnap. Dito siya sumayaw ng pandanggo bilang pag-indak na rin niya na malayo sa mga problema ng buhay.

Ang filmmaker:

Si Sheryl Rose M. Andes ay isang development worker, filmmaker, at educator. Nakamit niya ang kanyang BS Community Development at MA Media Studies (Film) degrees sa UP Diliman. May dekada na siyang karanasan sa pakikipagtrabo sa NGO bilang isang community organizer sa Tondo at project evaluator/consultant para sa catholic European funding agencies.

(Rating: R-13)

  1. TABON

Nasubukan ang paniniwala ng isang lalaki nang maakusahan ang mga suspek sa isang krimen ayon sa kanila ay hindi nila ginawa.

Buod: Ang pagkamatay ni Amang Zaldy ay nagdala sa kanyang anak na bumalik sa kanilang pinanggalingang bayan kasama ang asawa nitong si Erika at step daughter na si Joy. Dito madidiskubre nila ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang ama. Sa tulong ng senior inspector, si Ian ay ipinakilala sa mga suspek na may kani-kaniyang bersyon ng katotohanan. Sa kanilang mga salaysay, humantong ito sa iba’t ibang rebelasyon sa pagresolba sa mga katanungan at kawalan ng katiyakan tungkol sa kanyang pagkabata.

Ang filmmaker:

Si Alexander Xian Cruz Lim Uy ay isang Fil-Am-Chinese actor na kilala sa kanyang mga pagganap sa mga pelikula sa Star Cinema, Viva Films, at iba’t ibang TV series sa ABS-CBN. Noong 2017, nakalikha si Lim ng kanyang directorial debut sa kanyang sariling music video para sa Star Records na “Getting to Know Each Other.” Matapos nito, idinerehe niya ang “A Love Story,” nina Mara and Isabel Lopez, isang short film tungkol sa isang dysfunctional mother-daughter relationship, na naging premiere sa Pelicula-Pelikula Spanish Film Festival. Ang “Tabon” ay ang kanyang unang full-length feature film bilang isang director sa Cinemalaya.

(Rating: PG)

320

Related posts

Leave a Comment