5 TSAA NA TATAPAT SA ‘YONG MOOD SWINGS

TSAA-2

ANG tsaa ay isang low calorie na inumin, walang carbs, protein o fat kaya naman perfect na perfect ito para sa mga nagbabawas ng timbang. Mayroon pa itong antioxidants na nagpapabilis sa metabolism at nagtutunaw ng taba.

Ngunit alam ninyo ba na hindi lamang ito ang kayang gawin ng tsaa? Kaya rin nitong baguhin ang mood ng isang tao.

Hindi lang pera ang nakakapagpasaya, tsaa rin! Subukan ang tisanes (herbal tea) na mayroong natural mood-boosting properties, kabilang na ang lemon verbena at rooibos.

Tinatamad ka ba? Halina’t bumangon ka na sa kama at magtimpla ng green tea o yerba mate para maging produktibo ang iyong katawan at makatulong din sa ‘yong makapag-focus.

Kung ayaw mo ng green tea at caffeine, pwede rin naman ang peppermint tea na makatutulong rin para makapag-focus at makapagbigay ng energy buong araw.

Ang pag-inom ng dalawang tasa ng black tea ay napatunayan na ring nakapagtataas ng alertness, attention span, at maging pagpapataas ng work performance, ayon sa Fifth International Scientific Symposium on Tea & Human Health.

Hindi makatulog? Subukan mong uminom ng chamomile, rooibos, o lavender.  Ito ay makatutulong para ma-relax ang katawan at pinakaepektibong pampatulog.

Stress sa work, school, lovelife? Matatanggal ‘yan ng rooibos, honey bush, o herbal chai blend. Kung kailangan mo ng pampakalma, pwede rin naman ang tsaa na may luya.

Feeling creative? Mag-recharge gamit ang rooibos tisanes. Mayaman ito sa electrolytes na makatutulong para buhayin ang iyong kalamnan. Pwede rin ang enmaicha or green tea na siyang energy-booster.

468

Related posts

Leave a Comment