AP PARTYLIST NI COCO MARTIN PATULOY ANG SUPORTA PARA SA KAMPANYA NI LENI ROBREDO

Simula nang opisyal na idineklara ang kanilang pagsuporta sa pagtakbo ni VP Leni Robredo nung #Pasiglaban Grand rally noong ika-20 ng Marso, linggo, sa siyudad ng Pasig, ang AP Partylist ni Coco Martin ay nagpatuloy ng kanilang pag kampanya para kay Robredo sa Reporma Davao People’s Grand Rally sa Tagum, Davao noong April 7. Ang AP Partylist ay nangampanya kasama sina Moira at Jason, na hinarana ang libu-libong taong dumalo na naghihintay sa pagdating ni Robredo.

Ang AP Partylist #AkoyPilipino ay ang bagong partylist ng hari ng primetime na si Coco Martin. Dating konektado ito sa is pang partylist na ka-pangalan ng kanyang program sa primetime ngunit ngayon ay all-out si Coco Martin sa pagsuporta sa bago niyang partylist kasama ang first nominee nito na si Rep. Ronnie Ong, na dati ring konektado sa lumang partylist ni Martin.

Si Ong at Martin ay nagpasya na maging representante ng bagong partylist pagkatapos nilang makasama ang isa’t-isa sa pagtulong sa mga apektado ng pandemya mula sa transport at livelihood sectors.

Pahayag ni Coco Martin, “‘Wag nang mangamba, nandito na ang AP Partylist. Dito na tayo sa biyaheng aasenso ang lahat ng Pilipino,” sa kanyang pag engganyo sa mga kapwa Pilipino na samahan siya sa kanyang bagong partylist, ang AP Partylist.

Nang umpisahan ang blended learning system, o online and module classes nung Agosto 2020, si Ong ay naki-pagpartner sa opisina ni VP Leni Robredo’s para sa kanilang e-learning project. “We also had similar projects with her.

We also launched a Libreng Sakay program for health workers and frontliners, as well as establishing E-skwela Hub e-learning centers all over the country to help learners and students adapt to the new normal of classes,” sabi ni Ong. “How we work, how we serve, and how we care for our kababayans at AP Partylist aligns with hers, and that’s why AP Partylist, together with our whole family which includes Coco Martin and the Taskforce Agila, supports the Leni Robredo presidential campaign.”

Dagdag pa ni Ong, “Naniniwala tayo na kapag tinawag ka, tumindig ka. At tumindig si VP Leni. At ngayon, tumitindig ang buong 164 AP Partylist kasama niya. Tumindig tayong lahat hindi lang para ipanalo ang eleksyong ito, kundi para ipanalo ang taumbayan sa isang biyahe ng gobyernong tapat na aangat ang buhay ng lahat.”

Bukod kay Coco Martin, ang AP Partylist ay suportado rin ni Julia Montes at ang sikat na “Taskforce Agila” kung saan kasama sina Angel Aquino, John Prats, Raymart Santiago, Michael de Mesa, John Medina at Marc Solis. Samantala, ang ma-inspirasyong kanta na Ako’y Pilipino ng AP Partylist ay ginawa at kinanta ng rapper artists na sina Bryan “Smugglaz” Lao, Lordivino “Bassilyo” Ignacio at Muriel “Sisa” Jamito. Ngayong halos isang buwan na lang bago mag eleksyon, ang AP Partylist ay nangakong patuloy nitong susuportahan ang kampanya ni VP Leni Robredo.

Tulad ng idineklara ng AP Partylist sa mga dumalo sa Davao People’s Grand Rally, “Dito na tayo sa biyaheng aasenso ang lahat ng Pilipino… dahil sa gobyernong tapat, angat-buhay ang lahat!”

447

Related posts

Leave a Comment