Kahit ang mga sanggol ay hindi pa nakalalakad ay maaari at dapat na silang mag-ehersisyo.
Makabubuti ito sa kanilang katawan at kalusugan upang maging matibay at malusog.
Huwag hayaang laging nakahiga ang bata o lagi na lamang nasa kanyang higaan, crib o duyan.
May mga galaw ang mga sanggol na animo’y sumisipa-sipa kahit pa sa tuwing papalitan siya ng diaper o bibihisan ng damit. Natural ito at maganda rin naman. Pero mas maigi kung ang galaw ng kanyang katawan o parte ng katawan ay naaalalayan nang mabuti ng kanyang mga magulang.
PADAPA. Kung alam naman at may tamang alalay ay maaa¬ring dahan-dahaning padapain ang bata at lagyan ng maliit at malambot na unan sa bandang dibdib nito. Ito ang paraan upang ang kanyang mga braso, binti ay makagalaw-galaw nang maayos at normal.
Mas maigi na habang nakadapa ito ay may laruan sa kanyang harapan na maaari niyang maabot para sa ekstrang galaw ng kanyang katawan.
FLY LIKE A HERO. Subukang humiga at itaas ang mga tuhod at binti at dito padapain ang inyong mga anak. Maging maingat lamang habang ginagawa ito. Ang uri ng exercise ay para sa inyo at lalo na sa baby upang magalaw pa niya ang buo niyang katawan at mabuo ang kanyang positive emotions o reactions mula rito.
Tandaan sa pag-eehersisyo ay tumitibay rin ang resistensya ng inyong sanggol.
182