BAKIT MADALAS BINABAGYO ANG PILIPINAS?

BAGYO-5

Ganitong kahit papasara ang taong 2019, hindi pa rin tayo nililisan ng pagbisita ng mga bagyo gaya ng pagpasok kamakailan ng Bagyong Tisoy.

Hindi lahat sa atin ay naiintindihan kung anu-ano ang mga bagay na may kinalaman sa bagyo.

Bilang aming mambabasa, para sa inyo ay tutuklasin natin kung ano ang bagay na ito upang lubos nating maunawaan kung bakit madalas tayong binibisita ng bagyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), natural na pasukin ng bagyo ang Pilipinas dahil na rin sa napaliligiran tayo ng tubig.

Madalas tayong daanan ng mga bagyo dahil ang bansa natin ay malapit sa Pacific Ocean kung saan ang mga bagyo ay dito namumuo.

Public Storm Warning

PAR-1Ang public warning ay inilalabas upang magkaroon ng gabay ang mamamayan sa lagay ng masamang panahon partikular sa mga bagyo na may kasamang malakas na pag-ulan at hangin.

Habang papalapit o may paggalaw ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR), maaaring itaas o ibaba ang ibinigay na Public Storm Signal.

Ang babala o signal number sa espisipikong lugar ay depende sa bilis, lakas o magagalawan ng masamang panahon, maging ang direksyon kapag nailabas na ang Public Storm Warning Signal.

Batay sa website ng PAGASA, ito ang ilan pang dapat na tandaan pagdating sa lagay ng panahon:

THUNDERSTORM

Ito ay local scale weather system, ibig sabihin masamang panahon sa maliit na lugar at panandalian lang, na maaring magdala ng mabigat na buhos ng ulan, malakas na hangin at may kasama pang pagkulog at pagkidlat. Ang isang thunderstorm ay maaring magtagal sa loob ng 2 oras.

TORNADO

Ang tornado ay ang malakas na pag-ikot ng hangin na galling sa isang severe thunderstorm na maaaring magdala ng hangin na hihigit sa 400 km/hr. Ito ay kadalasang nabubuo sa isang patag na lugar na maaaring umabot ng dalawang milya at nagtatagal ng hanggang 30 minuto. Ang pinsalang dulot ng tornado ay doon lamang sa mga lugar na dadaanan nito.

HAIL

Ang hail ay yelo na bumabagsak galing sa isang severe thunderstorm. Nabubuo ang hail kapag masyadong mainit ang isang lugar na magdudulot ng pagtaas ng mga water vapor na maaaring lumagpas sa tinatawag na freezing level kung saan ang mga water vapor ay pwedeng mag-freeze at maging isang yelo. Kapag marami nang yelo sa itaas ng isang thunderstorm clouds ito ay bumabagsak sa lupa bilang isang hail. Ang hail ay bumabagsak sa bilis na mahigit 100 kph.

INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE (ITCZ)

Ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone ay ang lugar kung saan ang hangin ng Northern Hemisphere at Southern Hemisphere ay nagtatagpo na nagdudulot ng mga sama ng panahon tulad ng mga LPA at Bagyo.

BAGYO

Ang bagyo ay isang malawakang weather system na mula 150 km ang radius o at least 300 km ang lawak nito nagdadala ng mga malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan. Ito  ay namamataan dahil sa pag-ikot ng mga ulap o meron nang circulation.

Philippine Area of Responsibility (PAR)

Ang PAR o Philippine Area of Responsibility ay ang lugar na itinakda ng World Meteorological Organization sa PAGASA upang bantayan at magbigay ng impormasyon tungkol sa pamumuo ng sama ng panahon tulad ng bagyo sa lokal na lugar at sa internasyunal.

KATEGORYA NG BAGYO

tropical cyclone-2Ang isang bagyo o Tropical Cyclone ay inuuri ayon sa lakas at maximum sustained winds malapit sa mata nito. May limang (5) classification ang mga bagyo sa Pilipinas, ang una at pinakamahinang bagyo ay Tropical Depression na may lakas ng hangin na umaabot hanggang 61kph malapit sa gitna, samantala ang Tropical Storm ay bagyong may hanging 62 kph hanggang 88 kph. Ang ikatlo ay Severe Tropical Storm, ito ay may lakas ng hangin sa pagitan ng 89 kph hanggang 117. Typhoon naman ang tawag sa bagyo na umaabot ang dalang hangin sa pagitan ng 118 kph hanggang 220. Ang pinakamataas na classification ngayon sa Pilipinas ay tinatawag na Super Typhoon. Ang Super Typhoon ay mga bagyong may dalang hangin na ‘di bababa sa 220 kph.

PAGBIBIGAY SA PANGALAN NG BAGYO

Ang pangalan ng mga bagyo ay nakadepende sa taon kung kailan ito nabuo. Mayroon nang mga nakalaang pangalan ng mga bagyo taun-taon at nagpapalit-palit ito tuwing ikaapat na taon dahil mayroong apat na column na pangalan ng bagyo na ginagamit.

PAGTANGGAL SA LISTAHAN NG PANGALAN NG BAGYO

Maaari matanggal ang pangalan ng bagyo sa listahan kung ang damage ng bagyo ay aabot ng 1 bilyong piso o kung ang dami ng namatay ay aabot ng 300 o pataas.

DAMI NG MGA BAGYO NA INAASAHAN SA PILIPINAS

Mayroon tayong inaasahang 20 tropical cyclone na pumapasok o namumuo sa PAR taun-taon on the average at 8 or 9 dito ay nagla-landfall.

LANDFALL NG BAGYO

Ang landfall ng bagyo ay nangangahulugan na ang sentro o mata ng bagyo ay tumama sa anumang kalupaan ng bansa. Hindi ito kaparehas ng pagpasok ng bagyo sa PAR dahil sa kalayuan ng boundary ng ating ating PAR sa kalupaan ng bansa upang bigyan ng panahon upang makapaghanda ang mga tao.

STORM SURGE

storm surgeAng storm surge o daluyong ay ang pagragasa ng tubig-dagat. Ito ay delikado lalo na sa mga nani-nirahan sa tabing-dagat at maaari rin itong humampas sa kalupaan.

Ang Pilipinas ay nakararanas ng storm surge dahil na rin sa mahabang baybaying-dagat. Ang bansa natin ay napapalibutan ng tubig-dagat kaya’t hindi talaga malayo na magkaroon ng storm surge sa panahon na masama at may malalakas na bagyo.

429

Related posts

Leave a Comment