CONCEPCION: BAKUNAHAN ANG 53M UNBOOSTERED PINOY PARA MAIWASAN ANG 300K COVID CASES

Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na kayang pigilan ang pinangangambahang 300,000 aktibong kaso ng Covid pagdating ng Mayo na sinasabi ng World Health Organization (WHO) sa pamamagitan ng pagbabakuna ng 53 milyong Pilipinong hindi pa nakakatanggap ng kanilang booster shots.

Nagbabala ang WHO na nanganganib ang Pilipinas sa matinding pagtaas ng mga kaso kung patuloy nitong babalewalain ang mga minimum public health standards. Napansin din ng Department of Health (DOH) ang unti-unting pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa 14 na lugar sa buong bansa.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang mayroong 67 milyong indibidwal na fully vaccinated, kulang pa ng 23 milyon sa target nitong 90 milyon. Mayroon ding mahigit na 53 milyong indibidwal— kabilang ang mga nakatatanda, mga teenager edad 12 hanggang 17, at mga adults—na hindi pa nakakatanggap ng kanilang mga booster shot.

“There are around 27 million vaccines expiring in July and 53 million more in storage,” sabi ni Concepcion. “That’s more than enough for our needs,” sabi niya.

Sa lingguhang Laging Handa public briefing noong Abril 20, nagpahayag si Concepcion ng pagkabahala na kung hihintayin pa ang pagtaas ng mga kaso ng Covid bago magpa-booster, maaaring maging huli na ang lahat. “Why take the risk?” tanong niya. “We should realize the whole implication here.”

“Habang marami tayong bakuna, halos 80 million, kunin na natin ang booster natin. Let’s maintain the wall of immunity, at huwag sayangin ang bakuna,” he said. “Protektahan natin ang ating sarili at hayaang lumago ang ekonomiya at tulungan ang ating mga mamamayan.”

Iminungkahi ni Concepcion ang mga sumusunod para mapabilis ang mga pagbabakuna: i-require ang mga booster card, maglagay ng expiration date sa mga naunang vaccination card, at payagan na ang mga paunang booster para sa 12-17 taong gulang, at ang pangalawang booster para sa mga vulnerable sa lalong madaling panahon.

Kaugnay nito, pinaigting ng Go Negosyo ang kampanya nito na isulong ang booster vaccinations. Inilabas sa ilang media platform ang kampanya nito para hikayatin ang mga Pilipino na magpabakuna at, kapag pwede na, kumuha ng kanilang mga booster shot. Sa kampanya nito, sinabi ng Go Negosyo na noong Abril 13, mayroon lamang 13.7% na Pilipino ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot; ito sa kabila na may 74.1% nang fully vaccinated.

Kabilang sa mga medical expert na kasama sa kampanya ay sina DOH Secretary Francisco Duque; Presidente ng Philippine College of Physicians na si Dr. Maricar Limpin; Dr. Nina Gloriani at Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel; Special adviser ng IATF na si Dr. Ted Herbosa; infectious disease expert Dr. Edsel Salvana; dating DOH Sec. Dr. Esperanza Cabral; mga OCTA Research fellow na sina Dr. Benjamin Co, Fr. Nic Austriaco at Prof. Guido David; Presidente ng Philippine Society of Pathologists na si Dr. Roberto Padua; at ang health reform advocate na si Dr. Tony Leachon.

“Cases are moving up. This may be due to waning immunity as the booster uptake remains very poor,” ani Concepcion. “We’re trying to prevent people from getting severely ill and overwhelming the healthcare system. We want to maintain the Alert Level 1 status, but we need people to stay healthy and keep the engines of the economy running,” sabi niya.

Ang banta ng muling pagkahawa sa Covid ay idiniin ng ilan sa mga eksperto, at kung paano nakakapagbigay ng karagdagang proteksyon ang mga booster shot kahit na may lumabas na mga bagong variant. Iminungkahi din ang pagbibigay ng mga insentibo at paghihigpit bilang mga mabisang paraan sa paghikayat sa pagbabakuna.

“Filipinos cannot afford to be complacent,” ani Concepcion. “As we’ve seen in the experience of other countries, the primary vaccinations do not guarantee that the antibodies will not wane over time. While vaccines do protect us from severe illness and death, these have to be kept up-to-date,” aniya.

181

Related posts

Leave a Comment