DIY: FLOWER GARLAND PARA SA BAHAY

garland

Hindi lahat ng do it yourself (DIY) project ay madaling gawin pero mayroon sa mga ito na mapagtitiyagaan lalo kung ang target natin ay mapaganda ang bahay sa gagawing ito.

Ang DIY na ito ay ang flower garland na madalas ilagay sa loob ng bahay partikular sa mga bintana.

Ang flower garland na ito ay walang pinipiling okasyon kaya’t anytime ay pwedeng idisplay o kahit sa buong taon basta maging maalaga lamang dito na hindi marumihan. Ang pwede at mas magandang uri nito ay ang mga artificial flower para hindi magastos kumpara sa paggamit ng fresh flowers.

Pwede rin namang gumamit ng paper flowers bilang alternative.

Kung gusto naman na maging motif ito ay perfect ito para sa isang wedding occasion, baby shower, nursery room para sa baby girl.

Sa color scheme ay mas may dating kung ito ang soft corals and peaches.

MGA KAKAILANGANIN

– iba’t ibang uri ng artificial flower

– iba’t ibang uri ng artificial greens o leaves

– cotton rope

– floral wire

– hot glue

– wire cutters

– scissors

PARAAN NG PAGGAWA:

Tanggalin ang mga artificial flower mula sa stems. Sunod ay kunin ang tali at gumawa ng loop sa isang dulo nito saka talian ng floral wire upang hindi makawala.

Sa kabilang dulo ng tali ay gumawa rin ng loop at lagyan din ng floral wire.

Isunod dito ang paglalagay ng isang piraso ng greenery sa ibabaw ng tali at gumamit ng floral wire para ma-attach ang tali sa tangkay. Putulin ang sobrang tangkay gamit ang wire cutters.

Sa kabilang dulo ng tali, muling ulitin ang paglalagay ng isang piraso ng greenery sa ibabaw ng tali at gumamit ng floral wire para ma-attach ang tali sa tangkay. Siguraduhing magiging balanse ang itsura.

Patuloy na lagyan ng greenery hanggang sa maging balanse at maganda ang pagdedekorasyon dito.

Maaaring gumamit ng ilang foliage mula sa floral bouquet para malagyan ang anumang mga empty space.

Gumamit ng hot glue para maidikit ang mga bulaklak sa tali at siguraduhing pantay ang pagkakalagay nito.

Kapag nabuo na ang magandang garland ay ilagay na ito at i-secure sa inyong bintana o kung saang parte ng looban ng inyong bahay.

218

Related posts

Leave a Comment