[MANILA, 27 Enero 2024] – Nakipagpulong ang Go Negosyo kay First Lady Liza Araneta Marcos noong Enero 23, 2024 para ipahayag ang suporta nito at tuklasin kung paano makatutulong ang non-profit sa Lingap at Alagang Bayanihan (LAB) For All na naglalayong ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga Pilipino.GO/LAB For All COLLAB. Si First Lady Liza Araneta Marcos (gitna) kasama sina (left to right) Go Negosyo Executive Director Mina Akram, Go Negosyo mentor at dating Philippine Commission on Women chairman Myrna Yao, ang Unang Ginang, Go Negosyo founder Joey Concepcion, at Go Negosyo Senior Adviser Josephine Romero.
Sinabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion na susuportahan nito ang LAB For All sa pamamagitan ng pagtulong na turuan sa pagnenegosyo ang mga benepisyaryo ng LAB For All, lalo na ang mga kababaihan ng mga komunidad,. “Ang pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan ay kaagapay sa pagbibigay sa mga tao ng kakayahang patuloy na pangalagaan ang kanilang sarili at ang kanilang mga pamilya,” sabi ni Concepcion.
“Nakasalalay ang pag-unlad sa pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor, at handa kaming tumugon,” sabi niya.
Ilang pambansang ahensya ng pamahalaan ang kasama sa LAB For All caravan, kabilang ang Public Attorney’s Office, Department of Health, Department of Agriculture, at TESDA. Ang LAB For All caravan ay inilunsad kamakailan sa ilang bayan at lungsod sa buong bansa.
207