HI-RAP KA BANG MAG-BA-SA? BA-KA DYSLEXIA I-YAN…

DYSLEXIA

Ang dyslexia (“disleksiya” kung bibigkasin sa Filipino), ay isang learning disorder.

Ang dyslexia ay sanhi ng phonological processing problem, ibig sabihin ang mga taong apektado nito ay hindi hirap sa pagkita nila sa isang salita o language pero sa pagma-manipulate nito.

Dahil isang learning disorder, ito ay tumutukoy sa kahirapan sa pagbabasa dahil sa problemang ma-identify ng speech sounds at malaman kung paano ito ire-relate sa letters at words (decoding). Tinatawag din itong reading disability kung saan ang dyslexia ay nakaaapekto sa areas ng utak na nagpa-process ng language.

NORMAL BA ANG MGA DYSLEXIC?

Ang mga taong may dyslexia ay may normal intelligence at kadalasan mayroon ding normal vision. Karamihan sa mga batang dyslexic ay kayang mag-succeed sa school sa tulong ng isang tutor o ng isang specialized education program.

Kailangan ng emotional support para sa ganitong sitwasyon.

Dahil sa walang lunas para sa dyslexia, ang early assessment and intervention ay makatutulong para sa best outcome. Minsan ang dyslexia ay undiagnosed for years at hindi agad ito nare-recognize hanggang mag-adulthood, pero hindi pa naman huli para malaman ito.

DYSLEXIA-2 NAGAGAMOT BA ANG DYSLEXIA?

Ang dyslexia ay isang disorder na present sa pagkapanganak pa lamang ng sanggol, hindi ito maiiwasan at hindi nagagamot. Gayunman ang disorder na ito ay pwedeng i-manage gamit ang special instruction at support.

ANG UTAK NATIN AT NG MGA DYSLEXIC

Ang utak natin ay divided sa dalawang hemispheres.

Ang left hemisphere ay generally in charge sa language at ang pagbabasa. Samantala sa right hemisphere ay typically in charge sa spatial activities.

Sa fMRI (Functional magnetic resonance imaging or functional MRI) studies, nakitang ang mga utak ng mga taong dyslexic ay mas naka-rely sa kanilang right hemisphere at frontal lobe kumpara sa mga taong walang dyslexia.

Ibig sabihin nito, kapag nagbabasa ang taong dyslexic, matagal ang biyahe ng kanilang binabasa sa kanilang utak at may delayed sa kanilang frontal lobe.

Dahil sa nangyayaring neurobiological glitch (malfunction), nagbabasa sila nang hirap. Pero ayon din sa pag-aaral, “people with dyslexia can physically change their brain and improve their reading with an intensive, multi-sensory intervention that breaks the language down and teaches the reader to decode based on syllable types and spelling rules.”

BRAIN-1Ang utak ng mga taong may dyslexia ay sinisimulang gamitin ang kanilang left hemisphere more efficiently habang nagbabasa at nai-improve naman ang kanilang pagbabasa.

Sa pag-aaral pa, ang dyslexia ay nakaaapekto sa isa sa limang indibidwal. Nangyayari ito in levels. Ibig sabihin ang isang tao ay maaaring may mild dyslexia habang ang iba ay may profound o malalang case nito.

Kung sisilipin ang utak ng taong may dyslexia, iba ang mag-process ito ng language. Sa utak nila ay napi-flip ang orientation ng letter at words.

DYSLEXIC, NATATANGI

Gayuman maraming dyslexic ang successful sa kanilang buhay o sa kanilang careers. Maraming mga sikat na tao ang naging maugong at patuloy na umuugong ang galing at husay nang hindi nalalaman ng marami na sila ay dyslexic.

FAMOUS PEOPLE NA MAY DYSLEXIA

– Muhammad Ali

– Picasso

– Whoopi Goldberg

– Steven Spielberg

– Cher

– Walt Disney

– Da Vinci

– Richard Branson

– Albert Einstein

– Winston Churchill

SENYALES AT SINTOMAS NG DYSLEXIA

Ang senyales at sintomas ng dyslexia ay nag-iiba-iba sa tao. Ang bawat indibidwal na may ganitong condition ay may unique pattern of strengths and weaknesses.

Sa ibang mga kaso, posibleng ma-detect ang sintomas ng dyslexia bago magsimula ang bata sa school.

Sa mga pre-school children, halimbawa ito ang ilang mga sintomas:

– delayed speech development kumpara sa ibang mga bata na kaedaran din niya (ngunit ang mga ito ay maaaring may ibang mga sanhi)

* speech problems, gaya ng hirap mag-pronounce ng salita o naiiba ang ayos ng mga letra sa salita (halimbawa sa pagsasabi ng “hecilopter” sa halip na “helicopter”, or “beddy tear” instead of “teddy bear”)

* problema na ma-express ang kanilang sarili gamit ang spoken language, gaya ng hirap maalala ang tamang salitang gagamitin, o ang pagbuo mismo ng isang sentence nang tama

* mayroong little understanding o appreciation sa rhyming ng mga salita, gaya ng “the cat sat on the mat”, or nursery rhymes

* hirap sa o mababa ang interes sa pag-aral ng mga letra sa alphabet

 Teenagers and adults

* poorly organized written work na walang expression (halimbawa, kahit very knowledgeable sila sa isang certain subject, hirap silang i-express ang knowledge na ito in writing)

* difficulty planning at maging sa pagsusulat ng essays, letters o reports

* difficulties sa pagbabago o pag-revise para sa examinations

* iniiwasang magbasa at magsulat whenever possible

* hirap sa pag-take ng notes o pagkopya

* mahina sa spelling

* hirap na makatanda sa PIN o password o sa telephone number

* hirap sa pag-meet sa deadlines

Sa mga taong dyslexic, dapat silang higit na maunawaan.

Payo rin ng experts, upang higit nating maintindihan ang perspectives ng taong mga nasa paligid natin “we should try not only to see the world through their eyes but understand it through their brains.” (ANN ESTERNON)

344

Related posts

Leave a Comment