MAS MABABANG SINGIL SA KURYENTE PARA SA MGA CUSTOMER NG MERALCO NGAYONG HULYO

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagbaba ng P0.7213 kada kilowatt hour (kWh) sa singil ng kuryente ngayong buwan ng Hulyo.

Katumbas ito ng P144 na matitipid ng pangkaraniwang pamilya na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Paliwanag ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, ang generation charge, na siyang pinakamalaking bill component, ay bumaba ngayong buwan dahil sa mas murang supply mula sa Wholesale Electricity Spot Market at sa mga Power Supply Agreement ng Meralco.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa website ng Meralco sa www.meralco.com.ph o sa mga social media account nito sa Twitter (@meralco) at Facebook (www.facebook.com/meralco).

365

Related posts

Leave a Comment