MGA DAPAT GAWIN PARA MAGKAINTERES ANG MGA BATA SA PAG-AARAL

PAG-AARAL

(Ni ANN ESTERNON)

Ang bata kapag interesado sa pag-aaral ay nakikita mong aktibo siya sa mga bagay-bagay tungkol sa school para ma-develop pa ang kanyang talino at interes na mag-aral pa.

Pero para sa ibang mga nanay, masakit sa loob nila na makita ang kanilang mga anak na walang gana sa pag-aaral. Ngunit may mga bagay naman na makatutulong para masolusyunan ang ganitong uri ng problema sa mga bata.

– Isa sa mga best incentive para matuto ang bata at maengganyo na mag-aral ay purihin ito o i-congratulate sa mga tagumpay niya. Mahalagang malaman at madama ng bata ang pride mo sa kanyang school achievements. Ang paglalagay sa wall ng kanyang certificates o ang pagkakaroon ng compilations ng maayos at matataas na examination results ng mga bata ay magandang halimbawa na upang mahikayat pa silang mag-aral. Ang pagkukuwento sa ibang tao sa achievements ng inyong mga bata ay mahalaga rin para malaman ng bata na kayo ay proud sa effort na ginagawa ng bata sa kanyang pag-aaral.

– Dapat maramdaman ng mga anak ninyo na relaxed lamang sila. Hindi kailangang magkaroon ng tension o pressure sa mga bata habang sila ay nag-aaral. Kapag may pag-aalala ang mga bata nahahadlangan nito ang kanilang mga isipan at dito ay nawawalan sila ng gana lalo na sa pag-aaral. Dapat na maram­daman ng mga bata na sila ay relaxed kahit pa may challenges silang kinakaharap.

– Dapat magkaroon ng matched curriculum. Mas confident at enthusiastic ang mga bata kung ang curriculum nila ay lebel sa kanilang pagkakaunawa. Sa ganitong bagay ay dapat nakaalalay ang mga magulang o may pagtutok din habang sila ay nag-aaral upang masubaybayan ang mga bata kung talagang naiintindihan nila ang kanilang mga pinag-aaralan. Kapag naramdaman nila na hindi nila naiintindihan ang kanilang pinag-aaralan ay naroon din ang pakiramdam nilang hindi nila ito kaya kaya susukuan na lamang.

– Bilang mga magulang dapat may interes din kayo sa mga bagay na pinag-aaralan ng mga bata. Kailangang paminsan-minsan ay samahan sila habang sila ay nag-aaral. Magkaroon ng oras sa kanila na hindi kayo magiging interrupted mula sa messages o calls sa inyong mga telepono. Ang oras s mga bata ay pagbibigay ng halaga sa kanila para mas madali silang matuto. Tanungin din ang mga bata kung anu-ano ang mga nangyayari sa kanilang mga eskuwelahan kahit pa minsan ay naroong may hindi sila nagawang tama pero huwag sa puntong maramdaman nila na mali ito at masama silang mga bata.

– Dapat maramdaman ng mga bata ang good relationship niya sa kanyang teacher at ibang staff sa kanilang schools. Sa maniwala kayo o hindi, may epekto sa mga bata kung paano ang trato ng mga guro nila sa kanila sa schools. Dapat maipadama ng school teachers o ibang staff na kahit wala roon ang kanilang mga magulang ay secured, safe at loved sila ng mga ito. Kapag hindi nurtured ang bata sa magandang relationship ay bumibitiw din sila lalo sa interes na mag-aral. Kaya mahalagang malaman ng mga magulang kung nasa tamang teachers ang kanilang mga anak.

– Mahalaga ang pagkakaroon ng strong concentration ng mga bata habang sila ay nag-aaral. Ipaalala lagi sa mga bata na dapat ay walang anumang destructions habang sila ay nag-aaral. Ilayo sila sa mga TV, radyo, computer gadgets, laruan, o kahit mga kalaro. Habang sila ay mga bata ay turuan na rin silang magkaroon ng disiplina sa kanilang mga sarili. Ganoon din habang sila ay nasa school.

– Kailangang kakitaan ang mga bata na marunong silang magtanong lalo na sa mga bagay na hindi nila maintindihan. Kapag nakikita sa mga bata na sila ay nagtatanong ay naroon ang kanilang interes na matuto. Tandaan na lang palagi ang kasabihang “matalino ang nagtatanong”. Sensibly and politely dapat ay nagtatanong ang mga bata kahit pa mismo sa kanilang mga teacher.

– Dapat ay may listening skills ng mga bata para madali para sa kanila ang makakuha ng impormasyon o lectures sa eskwelahan. Kapag hindi naririnig ng mga bata ang mga bagay na dapat niyang matutunan sa school ay marami siyang mga bagay na hindi rin maiintindihan o hindi mapag-aaralan. Pwede ring magkaroon ang mga magulang sa kanilang mga anak ng listening games habang wala sa schools para makasunod ang mga bata sa kanilang pinag-aaralan. Mahalaga rin maipa-checkup ang pandinig ng mga bata kung normal ba ito o balakid na sa kanilang pag-aaral.

– Alamin sa mga bata ang iba pa nilang mga interes. Para sa broad interest ng mga bata dapat ay kilala ninyo rin sila sa ibang mga bagay-bagay. Siguraduhin na mayroon silang wide range of subjects hindi lamang literacy and numeracy, pero mayroon ding environmental studies and art and crafts. Sa ganitong mga bagay ay dapat ding ipakita ang suporta sa kanila bilang mga magulang. Mas maraming subjects na may interes ang mga bata mas naroon ang eagerness nilang matuto pa nang husto.

– Magkaroon ng play activities. Siguraduhing mayroon kayo nito para sa mga bata para hindi sila ma-bore o mapagod nang husto sa pag-aaral. Dito rin kasi nagkakaroon ng enthusiasm ang mga bata na matuto pa. Dapat ay may liberal sprinkling of leisure activities ang mga bata kada araw o kahit apat na beses kada linggo. Mahalagang matulungan din ninyo ang mga bata na ma-structure nila ang kanilang oras dahil nakapapagod din sa kanila kung tutok lagi sa pag-aaral. Dapat maging balanse rin ang lahat para sa kanila. Mahalaga iyan sa kanila gaya sa mas mga nakatatanda sa kanila.

522

Related posts

Leave a Comment