MGA PARAAN PARA MAKATIPID SA TUBIG

TUBIG-14

SUNOD sa han­gin, ang tubig ay ang pinakamahalagang element at kailangan natin upang masustine natin ang buhay sa mundo.

Nakararanas tayo ngayon ng krisis sa tubig sa Metro Manila.

Naroon na rin ang pangamba na nasa peligro ang suplay ng tubig para sa darating na tag-init.

Kapag ganitong may water crisis, nagiging malapit din tayo sa iba’t ibang uri ng sakit.

Sa ganito ring sitwasyon, kailangan nating magtipid nang husto sa paggamit ng tubig. Ito ang ilang mga paraan para magawa ito:

– Kung maglalaba, siguradu­hing maramihan na ito at isang labahan na lamang. Sa huling bahagi ng paglalaba ay isama na rito ang mga basahan o doormat para makatipid pa sa tubig. Ang tubig na ginamit ay pwede ring panlinis ng sahig sa banyo o kaya naman ay sa garahe.

– Gumamit ng palanggana kapag naghuhugas ng mga gulay, prutas o mga pinggan. Ang tubig na ginamit dito o pinagbanlawan ay pwedeng pandilig sa halaman o panlaba sa mga basahan.

– Huwag hayaang maglaro ng tubig at magtagal sa banyo ang mga bata para hindi nasasayang ang tubig.

– Kung kakayanin, mag-shower na lamang sa halip na maligo.

– Siguraduhing lahat ng lagayan ng inu­ming tubig sa refrigerator ay puno, nakatakip at magagamit upang hindi ito masayang at hindi rin sayang sa kuryente.

– Sa pagsisipilyo ay huwag hayaang nakabukas ang gripo nang hindi ginagamit.

– Huwag hayaang nakabukas ang gripo habang nag-aahit.

– Regular na suriin ang mga tubo ng tubig kung ito ay may mga tagas upang masigurong walang kahit na anong patak ng tubig ang nasasayang. Kailangan magtipid tayo sa paggamit ng tubig.

– Gumamit na lamang ng tabo sa pagdidilig ng mga halaman sa halip na water sprinkler o hosepipe na maaksaya sa tubig.

– Magdilig lamang ng inyong lawn o damuhan kung kinakailangan.

– Magtanim ng mga puno at halamang drought-resistant upang hindi rin maging panay-panay ang pagdilig dito.

– Iwasang gamitin bilang ashtray o wastebasket ang inyong toilet bowl upang hindi masayang ang tubig sa tuwing ipa-flush ito.

Maging maingat tayo sa paggamit ng tubig at ituro ito sa mga bata.

Ang paggamit ng kaunting tubig ay makatutulong para mabawasan ang greenhouse gases na inilalabas mula sa pangungolekta, paglilinis, at pagsusuplay ng tubig.

711

Related posts

Leave a Comment