PAA NG MANOK: HEALTHY FOOD

PAA NG MANOK

(Ni ANN ESTERNON)

POPULAR ang pagkain ng paa ng manok sa Asya partikular sa China, Korea, Vietnam at siyempre pa rito sa atin sa Pilipinas.

Kahit popular, may mga tao rin na ayaw sa pagkain nito dahil para sa kanila hindi ito pagkain, ito ay marumi o ‘di kaya ay nakadidiri. Iniisip kasi nila na dahil paa ng manok ay maraming inaapakan itong kung anu-ano noong ang mga ito ay buhay pa at nasa pag-aalaga pa ng poulty industry.

Sa iba naman ay parang status symbol – pagkain daw ito ng mahihirap. Pero huwag ka mahal iyan sa Asian restaurants. Dahil ang kadalasang isang serving niyan na apat hanggang limang piraso lamang ay aabot na sa P80 hanggang P120.

Pero siguro pagkain talaga rin ng masa dahil madalas din itong makita sa mga turo-turo, o kaya sa mga karinderya na mas kilala rin sila sa tawag na adidas.

Maraming klaseng luto ang maga­gawa kung ang main ingredient ay mga paa ng manok. Ito ang mga putahe mula sa ihaw, adobo, steam o braised type nito. Masarap iyan kung masarap at malinis talaga ang pagkakaluto kahit pa puro ito buto, balat at litid lamang – wala naman talagang laman pero sarap na sarap ang marami rito.

Marami rin ang hindi nakaaalam – ultimo ang mismong mga kumakain na nito – na healthy at maraming benefits ang makukuha sa pagkain ng paa ng manok. Hindi lang talaga ito nakabubusog pero busog din sa healthy benefits.

Pampaganda ng kutis. Mataas kasi sa collagen ang paa ng manok. Ang ­collagen ay maaaring ituring na protein na parang glue para maging buo o firm ang katawan natin. Ang benefits nito ay hindi lamang sa skin kundi para rin sa puso lalo na sa mga atleta o may active performance.

Ano ba ang nagagawa ng collagen? Healthier at younger ang skin. Maganda rin ito sa buhok. Mataas ito sa calcium at protein na walang carbohydrates. Pinati­tibay nito ang blood vessels o ugat kaya ang blood supply ay maayos. Tulong din ito sa produksyon ng red blood cells.

Ang paa ng manok ay mabuti sa pagbabawas ng timbang. Tulong sa pagpa­paganda ng metabolism. Mala­king tulong sa muscle mass. Pinababagal nito ang epekto ng arthritis – kaya kumain ka ng paa ng manok pag inaatake ng arthritis. Mabuti rin ito bilang panlaban sa sakit sa kasu-kasuan. Nagpapabawas ito ng pamamaga at pananakit na nararamdaman.

Kung may nakikitang collagen drinks sa merkado asahang may ilan sa mga ito na may halong paa ng manok.

May isang pag-aaral din ang ginawa noon mula sa Faculty and Veterinary Science Chung-Hsing University sa Taiwan, ang quantity ng collagen na matatagpuan sa paa ng manok ay parehas lamang ng dami ng collagen na matatagpuan sa mabeberde at madadahong gulay at prutas.

Nasa pag-aaral din na ang benepisyo sa pagkain ng paa ng manok na ito ay mahusay sa mabilis na paggaling ng ­sugat, mabuti sa immune system, pampatibay ng mga buto at para sa healthy na kuko, pampatibay ng gilagid, pampababa ng blood pressure, nagbabalanse ng hormones, tulong para mabawasan ang problema sa sikmura, at nakababawas ng stress.

1459

Related posts

Leave a Comment