Umusad na ang partnership ng SOGO, EUROTEL at UP FIGHTING MAROONS matapos na magpirmahan ng contract of commitment ang magkabilang panig sa ginawang press conference sa Eurotel, Cubao, Quezon City noong Marso 28, 2023.
Sa panayam kay Sue Geminiano, Corporate Marketing Manager ng Global Comfort Group Corporation nagkaroon sila ng contract of commitment na magpapatunay na nagsimula na ang kanilang pangako na susuporta sila sa UP Women’s Volley Ball Team na nasa ilalim ng UP Fighting Maroons.
Anya. kabilang sa kanilang magiging suporta sa mga manlalaro ng University of Philippines partikular sa Women’s Volley Ball Team ay ang jerseys, wether jackets, at iba pang pangangailangan ng players.
Ayon pa sa kanya, maging sa charity program ng grupo, mechandise billboard at accomodation ng players kung saan sila may laro sa ibat-ibang lugar sa bansa ay suportaddo sila ng SOGO Hotel.
Binanggit din ni Geminiano na magiging official hotel na ng UP Women’s Volley Ball Team ang Eurotel at SOGO.
“We had a lot o bashers sa twitter, facebok, and any all almost social media flatforms, Bakit SOGO pa? Bakit ganyan? Bakit kayo pumayag na may mga ganun? But eventually hotel SOGO is for adult lang, I think they realize, time is changing, as well as tradition, to people are change, to be aggressive, to be an aspiration to other companies, this people needs help,” ani Geminiano.
“Scholar nga sila ng bayan eh, it would be a great help, kung ang mga company ay magtulong-tulong para sa kanila,” pahayag pa niya.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Geminiano sa mga tumatangkilik sa SOGO at Eurotel.
Sabay-sabay naman nagpasalamat sina Dannica Celis, Jewel Encarnacion at Alyssa Bertulano, pawang players ng UP Women’s Volley Ball Team dahil naging sponsor nila ang SOGO at Eurotel.
Anila, malaking tulong sa kanila para lalu silang magpursige para maging magagaling na manlalaro ng Volley Ball ng UP Fighting Red Maroons.
Sinabi naman ni Prof. Francis Carlos Diaz, dean of UP College of Human Kinetics masayang-masaya siya dahil sa pangakong suporta ng SOGO at Eurotel sa UP Women’s Volley Ball Team.
“Malaki, kaakibat ang kanilang (SOGO at Eurotel) suporta sa pangtustos sa primary sa pangangailangan ng players,” ani Diaz.
“Napaka-generous sponsors ng SOGO at Eurotel, salamat ho sa pag-commit at pagtulong sa UP Women’s Volley Ball Team, hindi lamang ngayong taon, kundi pati sa mga susunod pang mga taon, kayo ay mga institution na we greatly admired as well, sana ho ang ating partnership ay magbunga ng isang win-win situation for all of us,” pagpupuri pa ni Prof Diaz sa management ng dalawang hotel.
Ang SOGO ay kilala na rin bilang pampamilya, group students study hotel, check in hotel ng Overseas Filipino Workers (OFWs) o travelers hotel, samantala ang Eurotel ay may functions room para sa kasalan, conferences ng pribado man o pamahalaan tanggapan at marami iba pa. (Joel O. Amongo)
248