Sa Lima Park Hotel, Lipa, Batangas MISS UNIVERSE BINGOPLUS MEDIA DAY ISINAGAWA

Dinaluhan mula sa ibat-ibang media outlets at ilang personalidad na panauhin pandangal ang isinagawang Miss Universe BingoPlus Media Day noong nakaraang Abril 12 hanggang 13, 2024 sa Park Hotel, Lipa, Batangas. Si BingoPlus din ang lead presentor ngayong taon Ng Miss Universe Philippines.

Dakong alas-10 ng umaga nagsimula ang okasyon sa pamamagitan ng breakfast ng mga kinatawan mula sa ibat-ibang media outlets at personalidad na panauhin pandangal sa nasabing okasyon.

Alas-11 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon isinagawa ang press conference na may 3 batch sa kada-araw na may 8 Miss Universe Candidates na may tig-iisang oras bawat isa.

Sa isinagawang press conference ay isa-isang nagpakilala ang Miss Universe Candidates kasabay din ng pagmamalaki ng kagandahang ng kanilang mga lugar o probinsiya na kanilang kinakatawan mula sa ibat-ibang panig ng bansa.

Bumati rin sila sa pamamagitan ng paggamit ng kani-kanilang local dialect o lengguwaheng ginagamit ng kanilang mga lugar.

Isa-isa rin natanong ng mga taga-media ang Miss Universe Candidates kung ano ang masasabi nila sa BingoPlus na isa na pangunahing tumutulong o sponsor nila.

Sa question and answers na bahagi ay natanong din ng mga taga-media ang mga kandidata kung sakaling napili o nahirang sila bilang Miss Universe ano ang kanilang panguhing gagawin.

May mga nagsabi na kung ano ang ginagawang pagtulong ng BingoPlus ay susuportahan nila ito.

Isusulong din ang pagtulong sa mga nangangailan lalo na sa usapin ng mga kakaibahan na nakararanas ng hindi patas na pagtrato.

Sinabi rin ng ilang kandidata na maaari rin silang mga kinatawan ng mamamayan na gusto magparating kanilang hinaing sa gobyerno.

Maaari din daw sila tumulong sa Overseas Filipino Workers (OFWs) partikular ang mga nanay o kababaihan na iniiwang ang kanilang pamilya o mga anak para lamang maghanap ng trabaho sa abroad.

Ayon pa sa kanila, malaki ang kanilang pasasalamat sa BingoPlus dahil malaking tulong sa mga aktibidad ng Miss Universe Candidates.

Bukod sa press conference ay nagkaroon din ng pictorials sa Miss Universe Candidates sa Swimming Pool, at sa kuwarto kung saan isinagawa ang question and answers portion.

Nakasalamuha ng ibat-ibang media outlets ang Miss Universe Candidates, at ilang mga panauhin pandangal dakong alas-12 ng tanghali habang nagkaroon ng lunchbreak.

Kabilang sa mga kinatawan ng Miss Universe Candidates ay ang Pinay na nakatira sa Sydney Australia, Tacloban Region 8, Taguig, Talisay, Batangas: United Kingdom (UK), Virginia, Zambales, Miami, Mariveles, Bataan, USA; Naic, Cavite; Northern California, Nueva Ecija, Occidental Mindoro, at iba pa.

(Joel O. Amongo)

52

Related posts

Leave a Comment