TIPID SHOPPING TIPS

TIPID SHOPPING TIPS
  1. To be prepared properly when shopping, kailangan may listahan ka para hindi ka “maligaw ng landas”. Ang tendency kasi kapag wala kang listahan at alam mo talagang wala kang preno sa gastos ay talagang aabot ka sa overspending. Kung ano ang nasa list na hawak mo ay ‘yun lamang ang sundin at bilihin.
  2. Hindi rin naman complete ang importance ng shopping list kung hindi ka magse-set ng budget. Kung alam mo lang na may nakalaang budget sa bibili¬hing damit, hindi ka mahihirapan at mawawalan para makabili pa ng mas importanteng bagay o pagga-gastusan.
  3. For your shopping trip, magdala ka ng cash para tipid ka. Kapag ang gamit mo ay credit card o kahit debit card pa iyan, ay mas mapapagastos ka from 20% hanggang 50% dahil sa utang iyan, at naroon ang convenience dahil sa paggamit ng mga ito. Pero magdalawang isip ka, convenient ba talaga ang magic plastic cards? Tipid ba tal-aga?
  4. Iwasang magmadali habang namimili ng mga damit. Madalas namamali ang pagpili ng mga damit at malalaman na lamang ito kapag nasa bahay na.
  5. Kung alanganin sa sukat at magiging itsura ng mga damit sa iyo ay mas maiging isukat ito sa fitting room. Siguraduhin ding may tamang liwanag ang ilaw na nasa fit-ting room. Ang anumang liwanag ay may epekto rin sa itsura ng mga damit na isusuot. Isang halimbawa nito ay kapag masyadong madilim ang kuwarto ay hindi gaanong makikita ang kabuuan ng damit na sinusukat.
  6. Iwasang bumili ng mga sapatos early in the day. Mas tamang bumili ng anumang sapatos after midday at mas maganda talaga na gawin ito sa hapon dahil mas malaki ang sukat ng ating mga paa. Gawin ito para maiwasan ang pagkapaltos o pagkasugat ng mga paa mula sa maling pagpili ng mga sapatos. Kapag nakapili na ng sapatos ay sukatin ito, ilundag-lundag, ilakad-lakad, itakbo-takbo (kung kaya ang space sa store) at subukan ding i-bend ang mga paa hanggang sa maramdaman mong comfortable ito sa iyo.
  7. If you really¬ want to shop smart pumili ka ng oras na magiging comfortable sa iyo na hindi mo kailangang magmadali. Alam naman natin na stressful ang pamimili kaya kailangang may right time talaga para rito.
  8. Maiging i-consider din to shop alone. Baka kung magsasama ka ay pigilan ka lang sa tamang estilo ng mga damit or madaliin ka sa oras, or sige lang siya sa pagsasabing “okay iyan sa ‘yo” – kahit hindi naman talaga okay. Kung comfy naman na kaya mong mamili mag-isa then do it lalo na kung alam mo namang may “taste” ka sa damit. At kung talagang gusto mong may kasama ka ay okay lang naman. Just pick your shop-ping friends wisely.
  9. Huwag kang mag-shop ng mga damit o sapatos na gutom ka, galit, pagod o wala sa mood. May effect kasi ang negative emotions na ganito sa pamimili mo. Magiging in-sensible ka lang at hindi magiging smart ang pagpili mo sa items at sa paglabas ng pe-ra. If you are feeling any of those emotions then don’t go shopping. Mag-set ka na lang ng ibang schedule.
  10. Kung bibili ka ng mga damit, buy the basics. Ito ang mga damit na hindi mahirap iporma o ipares sa ibang mga damit mo. Dapat alam mo rin kung saan mo ito gagamitin at tuwing kailan mo ito susuotin.
  11. Magdalawang isip ka rin kung bibili ka online. Baka ang mabili mo ay hindi tamang size, malayo sa actual na kulay mula sa nakita mo sa screen, may factory fault sa tela (kahit hindi sinasadya) at iba pa.
  12. Huwag ma-hook sa on sale items. Check the items carefully, baka naka-sale lang iyan dahil broken sizes, may sira sa tela, sira ang zipper, kulang ang buttons, at iba pa. Baka malito ka rin na dahil sale ay sige lang ang pagbili ng on sale items pero sa dami ng nabili, ang iba rito ay hindi naman talaga kailangan. Isang uri rin ito ng pag-aaksaya ng pera.
220

Related posts

Leave a Comment