SPEEDY JUDICIAL PROCESS IHIHIRIT NG DU30 CAMP SA ICC

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

UMAPELA ang defense team ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber para hindi tumagal ang proseso ng paglilitis at hindi ito mapagkaitan ng karapatan sa “speedy judicial process.”

Ang hiling ng kampo ng dating pangulo ay may kaugnayan sa admission process sa mga biktimang magbibigay ng testimonya hinggil sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte.

Nais nilang ang ICC Office of Public Counsel for Victims ang tanging payagang maging legal representatives ng mga biktima at hindi ang mga abogado ng mga ito.

Naniniwala ang defense team na malaking oras ang gugugulin kapag tinanggap ang lahat ng abogado mula sa panig ng mga private petitioner.

Samantala, hiniling naman ng kampo ng isa sa mga anak ni Duterte na si Kitty sa Korte Suprema na magtakda ng oral orguments para sa kanilang isinumiteng petisyon na habeas corpus para sa dating pangulo.

Sa isinapublikong pahayag ni Atty. Salvador Panelo, ibinahagi niyang naghain ang law firm nito ng isang mosyon upang hilingin ang isang legal debate sa pinakamataas na hukom.

Aniya, mahalagang magkaroon ng ganitong hakbang para magbigay daan na masuring maigi ng Supreme Court ang mga legal at constitutional issues na nakapaloob umano sa kanilang petisyon.

Dagdag pa niya, ang oral arguments ay mahalaga rin dahil mas transparent ito at madali pang maiintindihan ng publiko ang naturang isyu.

34

Related posts

Leave a Comment