19TH ASEAN UNIVERSITY GAMES: THAILAND PINABAGSAK NG PILIPINAS

NU VOLLEYBALL

PINABAGSAK ng Pilipinas ang Thailand mula sa trono sa iskor na 27-25, 25-21, 22-25, 25-20.

Kaya, malinaw na panalo ang Pilipinas sa 19th ASEAN University Games Men’s volleyball gold medal Biyernes sa Naypyitaw, Myanmar.

Ang reigning UAAP champion National University, kasama si coach Dante Alinsunurin na kumayawan sa Pilipinas ay nagpamalas ng husay sa biennial meet para sa student-athletes.

Agad umabante ang Pilipinas mula sa quick hit ni Francis Saura sa extended first set, bago bumanat si Bryan Bagunas sa second set.

Hindi halos nakagalaw si Bagunas sa third set nang maghigpit ng depensa ang kalaban, dahilan para makuha ng Thais ang naturang set, 25-22.

Nahimasmasan ang mga Pinoy nang muling pangunahan ng mga solidong atake ni Bagunas, kasama ang net defense ni Saura at floor defense mula kay Ricky Marcos ay naibulsa ng mga Pinoy ang fourth set.

Natapos nang walang talo ang Pilipinas (4-0) sa nasabing kumpetisyon.

Nalampasan din ng Pinoy spikers ang bronze medal finish noong 2016.

13

Related posts

Leave a Comment