FAELDON, JR., KINASUHAN NA SA OPERASYON NG DRUG DEN

no vip

KAHIT negatibo sa drug test, kinasuhan pa rin ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon dahil sa pagmamantine at operasyon umano ng drug den.

Nakakulong pa rin si Faeldon, Jr. dahil sa paglabag sa section 6 (Maintenance of a Den) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165, ayon kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, Bicol police spokesperson.

Si Faeldon, Jr. ay kasamang dinampot ng mga pulis sa isinagawang drug raid sa tinutuluyang bahay kasama ang lima katao kabilang ang tatay ng kanyang girlfriend. Sinabi sa report na ang target ng raid ay ang tatay ng gf ni Faeldon, Jr. ngunit dahil nasa loob ito ng bahay ay inanyayahan na rin ng pulisya.

Kinasauhan naman ng paggamit ng droga ang iba pang arestado na sina Russel Lanuzo at Alan Valdez.

Isasampa na ang kaso laban sa mga ito sa Lunes.

8

Related posts

Leave a Comment