2020 MPBL Lakan Cup: DAVAO, MAKATI ON TOP

NANANATILI sa 1-2 posisyon ang Davao Occidental at Bacoor sa South division, habang ang Makati ay nakabalik naman sa North division sa papalapit na pagsasara ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season elimination round sa magkahiwalay na laro, Huwebes sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

Ang Davao Occidental Tigers ay nagwagi laban sa Binan City Luxxe White Krah Heroes, 72-66 para selyuhan ang No. 1 seed laban sa Bacoor Strikers, na naunang nagtala ng 79-68 win matapos talunin ang Iloilo United Royals.

Inakay naman ni Jeckster Apinan ang Makati Super Crunch sa 91-90 overtime win laban sa Mikey Williams-powered General Santos Warriors para palakasin ang kanilang tsansa papunta sa playoffs.

Umiskor si Apinan ng 10 sa 12 points sa overtime period, kasama ang buzzer-beating layup para tapusin ang two-game skid ng Makati at pigilin ang pagpasok ng Warriors sa playoffs ng South division.  (VT ROMANO)

149

Related posts

Leave a Comment