PAGKAKAIBA NG AKO-OFW PARTYLIST AT OFW PARTYLIST, NABIGYANG LINAW SA PUBLIKO

AKO-OFW ni CHIE UMANDAP

LUBOS na nalinawan ang ating mga kababayan hinggil sa pagkakaiba ng AKO-OFW partylist sa OFW Partylist.

Ayon sa mga OFW, sadyang nakakalito ang halos pagkapareho ng pangalan ng dalawang partido.

Sa aking panig, dapat malaman ng publiko na hindi pa naman nakaupo sa Kongreso ang AKO-OFW Partylist at wala pang kakayahan na bumoto sa kahit anong isyung kinahaharap ng mga politiko sa ngayon.

Akin ding binibigyang-diin na hindi kami pumapanig sa kahit anong nangyayari sa Mababang Kapulungan bagkus mas hiling namin ang maayos na pagkakaisa ng ating pamahalaan.

Imbes kasi na isipin ang mga kinahaharap na problema at pagtulungan ang mga isyu ng lipunan, mas nangingibabaw ngayon ang away sa magkabilang panig.

Sa ngayon, mas tumututok ang AKO-OFW partylist sa pagsaklolo sa mga Pinoy worker na nagtatrabaho abroad at nakakaranas ng hindi maganda sa kanilang employer.

81

Related posts

Leave a Comment