2020 PNG SA MAYO

ISASAGAWA ang taunang 2020 Philippine National Games (PNG) sa Mayo, limang buwan matapos ang 30th Southeast Asian Games kung saan tinanghal na overall champion ang bansa.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram, ang “national open” ay bukas sa lahat ng national sports associations (NSAs), upang mapanatiling nasa tamang kondisyon ang mga atleta.

Ang PNG, na inorganisa ng PSC, ay isang daan din upang maipakita ng mga atleta na karapat-dapat silang mapabilang sa training pool ng  pambanang koponan.

“It has been our policy that all national athletes must proved they are worthy to be in their slot in the national team,” sabi ni Kiram.

Ayon pa sa kanya, naging patakaran na ang pagdaan ng NSAs athletes sa PNG upang matiyak kung makakasama pa rin sila o hindi na sa roster ng sports associations.

Kinansel ang PNG noong nakaraang taon dahil naging abala ang PSC at NSAs sa preparasyon para sa paghohost ng bansa sa 30th SEA Games.

Ang susunod na Games ay nakatakdang ganapin sa Vietnam sa 2021, kung saan tatangkain ng Pilipinas na mapanatili ang overall title sa biennial meet.  

Ito ang dahilan kaya’t importante ang pagsasagawa ng PNG, ayon kay Kiram,  upang mabigyan ng oportunidad ang ibang mga atleta, maging ang mga hindi kasali sa training pool, na patunayan ang kanilang mga talento. “It’s an opportunity for those who want to become a part of the national pool.”

Mahigit 1,200 atleta mula sa 56 NSAs ang inaasahang lalahok sa PNG na gagawin sa unang pagkakataon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at Philsports sa Pasig.   (ANN ENCARNACION)

126

Related posts

Leave a Comment