PINIGIL ng Bataan Risers ang paulit-ulit na pag-aalburoto ng Bicol Volcanoes para itala ang 76-72 win at panatilihin ang tsansang tumapos sa top four ng elimination round ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season noong Miyerkules sa People’s Center sa Balanga, Bataan.
Sa huling 26 segundo, humabol pa ang Volcanoes, 72-74, pero nagpakatatag ang Risers at nagdagdag ng puntos nang ma-split nina Archie Ingo at Ryan Batino ang kanilang charities at angkinin ang ikatlong sunod nitong panalo tungo sa 17-9 win-loss card sa North division.
Tumapos si Batino na may 18 points at 13 rebounds para idikit ang Risers sa fourth-ranked Bulacan Kuyas (17-8).
Ang pag-aagawan sa top four spots ng mga koponan ay magkakaloob sa kanila ng homecourt edge sa playoffs ng North at South division.
Sa kabila naman ng 13-13 kartada, ang Volcanoes ay nananatili sa magig eight na aabante sa playoffs ng South.
Samantala, pinalakas ng Pasay Voyagers ang playoffs drive nito nang magtala ng 61-50 win laban sa Bacolod Master’s Sardines.
Umangat ang Pasay sa 14-12, sa likod ng Pasig-Sta. Lucia at Caloocan sa seventh at eight spots, 14-11.
Nanaig naman ang Nueva Ecija Rice Vanguards laban sa Quezon City Capitals, 92-74. (VT ROMANO)
144