SINORPRESA ng Binangonan ang defending champion San Juan, 85-79, habang giniba ng Parañaque ang Palayan City, 94-75, para sa inaasahang title showdown ng dalawang teams sa
Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Executive Cup basketball tournament sa Binangonan Recreation Center.
Ikinasa nina Felipe Chavez, John Paul Pineda, JL De los Santos at Marwin Dionisio ang lakas ng tropa kung saan ay hinadlangan ng Challengers ang Knights sa mahigpit at kapana-panabik na bakbakan upang maitakas ang panalo.
Nagsalansan si Chavez ng 20 puntos at 9 rebounds habang nag-ambag din si Pineda ng 20 puntos at 4 rebounds para sa Binangonan, hinarang ang San Juan, 11-6, sa huling anim na minuto upang kompletuhin ang pagwawagi.
Nagtala si De los Santos ng 17 puntos at 9 rebounds at nagdagdag si Dionisio ng 15 puntos at 8 rebounds para sa Challengers, pinisak ang 14-point deficit ng Knights.
Dinala ni Noah Lugo ang laban ng San Juan sa kanyang naiposteng 15 puntos, 5 rebounds at 3 assists, sinundan ni Adrian Nocum na mayroong 12 puntos at 9 boards.
Kinakailangan na lamang ng Binangonan at Parañaque ng isa pang tagumpay sa Game 2 sa Linggo upang maitakda ang kanilang inaabangang title showdown.
Samantala, kung mananalo naman ang San Juan at Palayan City, makakapuwersa sila ng deciding Game 3 sa Martes. (DENNIS INIGO)
153