CLARKSON PALABAN KAHIT SAANG TEAM

Ni VT ROMANO

“I’M ready for whatever happens.”

Reaksyon ito ni Fil-Am Jordan Clarkson hinggil sa napapabalitang trade na magaganap sa Utah Jazz (kasalukuyan niyang koponan) at posibleng pagbabalik sa Los ­Angeles Lakers.

Dagdag niya: “If I’m in a ­different jersey in a week or tomorrow I get a phone call and I have to put on whatever jersey it is, I’m just trying to win and take whatever team it is to the next level to hopefully win a championship one day.”

Nasa rebuilding ang Jazz at ipinamigay na sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ngayong offseason.

Habang ang pangalan ni Clarkson, former Sixth Man of the Year, ay patuloy na nababanggit sa trade rumors.

Si Clarkson, hinugot ng ­Washington Wizards bilang 46th overall sa 2014 NBA draft ay agad ipinalit sa Lakers (for cash ­considerations).

Sa kanyang rookie season, lumaro sa Los Angeles-D-Fenders ng NBA Development League at hindi agad nakalaro sa Lakers sa kalahating season bago naging starter sa 38 games bilang Lakers point guard at nag-average ng 15.8 points, 5.0 assists at 4.2 rebounds.

Marso 24, 2015 nang magtala siya ng season-best game 30 points at seven assists, bagamat natalo ang team sa Oklahoma City Thunder.

Nag-start kasama si Jeremy Lin bilang first Asian-American starting backcourt sa league history, kumana ang Fil-Am noong Marso 30 at Abril 1 ng record back-to-back double-doubles, dahilan para siya mapabilang sa NBA All-Rookie First Team.

Habang naglalaro sa Lakers, nagsimulang dumami ang kanyang fans, lalo na sa Pilipinas bunga ng kanyang Filipino heritage at fanbase ng NBA team sa bansa.

Nakapaglaro rin si Clarkson sa Team USA sa Rising Stars ­Challenge kung saan umiskor siya ng 25 points, five rebounds, five assists at four steals noong 2016.

Kahit natatalo ang Lakers, nagpatuloy ang magandang performance ni Clarkson at madalas magtala ng double figure, hanggang na-trade siya sa Cleveland Cavaliers noong 2018-19 season at Utah Jazz mula 2019-present.

HS GRAD PWEDE
NA SA NBA

GOOD news ba ito o hindi?

Dalawang taon mula ngayon, maaari nang tumalon diretso sa NBA ang high school players.

Nakatakdang mag-usap ang NBA at National Basketball Players Association sa kanilang susunod na collective bargaining agreement kaugnay sa inaasahang pagbaba ng draft’s age eligibility ng mga manlalaro mula sa 19 years old tungo sa 18, ayon sa ulat ng The Athletic nitong Lunes (Martes sa Manila).

Noong Hulyo, inihayag ni NBA commissioner Adam Silver na umaasa siya ang ‘new age requirement’ ay magsisimula sa susunod na CBA cycle.

Ang current CBA ay matatapos sa 2023-24 NBA season at ang mga high school player ay inaasahang makaeentra sa liga sa 2024 draft.

Sina Kobe Bryant, LeBron James at Kevin Garnett ang ilan sa NBA stars na diretsong nakapasok sa liga mula sa pagiging high school player.

Ang NBA at NBPA ay may December 15 ‘opt-out’ date sa ilalim ng current CBA. Ayon sa ulat, magkikita ang magkabilang kampo sa katapusan ng Setyembre at tatalakayin sa pulong ang ‘mental health issue’ ng mga player, mas mabigat na ‘luxury tax penalties’, at ‘civility between players and fans.’

TULOY ANG
PARANGAL
KAY RUSSELL

HINDI pa tapos ang parangal ng Boston Celtics kay Bill Russell.

Sa parating na 2022-23 NBA season, ipipintura ang No.6 sa parquet floor ng TD Garden bilang pagkilala sa Hall of Fame center.

Sa pahayag ng team, ang numero ni Russell ay ipipinta sa magkabilang panig ng court.

“This tribute marks the first time numerical text will be displayed within that area on an NBA court,” saad sa official statement ng ­Celtics.

Si Russell ay namatay noong Hulyo sa edad 88. Lumaro siya ng 13 season sa Celtics (1956-57 at 1968-69) at nagwagi ng record 11 championships. Isa rin siyang champion ‘for civil rights and social justice off the court.”Maging ang NBA ay naghayag nitong Agosto sa mga gagawing seremonya sa darating na season gaya ng ‘permanent retirement’ ng No. 6 bilang parangal sa NBA great. Pero ang mga player na kasalukuyang gamit ang No. 6 ay papayagan hanggang sila’y ­magretiro.

209

Related posts

Leave a Comment