CRAY KINAPOS SA WORLD CHAMPIONSHIPS

BIGO si Southeast Asian Games hurdles king Eric Cray na mag-qualify sa 2022 World Athletics Championships.

Nabatid na hindi niya naabot ang sapat na puntos upang ­makapasok sa 400m hurdles event sa nasabing torneo.

Tanging Top 40 sa athletics ang uusad sa WAC sa Oregon, USA mula Hulyo 15 hanggang 24.

Si Cray ay nasa ika-43 ­puwesto lang na may 1175 ­puntos, kulang ng walo para sa No. 40 spot na nakuha ni Jesus ­Delgado ng Spain (1183 pts).

Kinatawan ni Cray ang Pilipinas sa WAC mula 2013, 2015, at 2017.

Samantala, itutuon na lang ng six-time SEA Games 400m ­hurdles gold medalist ang ­atensyon sa pag-qualify sa 2024 Paris Olympics.

Sa ngayon, ang pole vaulter na si EJ Obiena ang nag-iisang pambato ng bansa sa WAC. (ANN ENCARNACION)

81

Related posts

Leave a Comment