DASAL NI JINKEE: MAGRETIRO NA SI PACMAN

Jinkee Pacquiao-3

(Ni FRANCIS ATALIA)

NAIS ng maybahay ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao na magretiro na ito sa boksing matapos ang laban kay Adrien Broner.

Matatandaan na nagpahinga si Senator Manny Pacquiao matapos ang laban niya kay Timothy Bradley pero makalipas ang 7 buwan ay muli itong sumampa sa ring laban kay Jessie Vargas.

Dasal ni Jinkee kung sakaling manalo ang asawa ay tuluyan na itong magreretiro sa boksing ngayong taon.

Nagpag-uusapan naman umano nilang mag-asawa ang tungkol sa retirement dahil mabigat na trabaho ang boksing para sa kanilang 2.

Kumpiyansa si Pacquiao na magiging maganda ang laban niya kay Broner matapos ang kanyang panalo kay Lucas Matthysse na una niyang knockout win mula noong 2009.

Subalit habang papalapit ang laban ni Pacquiao ay wala itong pahiwatig na tuluyan nang magpapahinga sa boksing dahil pakiramdam umano ni Pacman ay hindi pa siya 40-anyos.

Nakatakda ang Pacquiao-Broner fight sa January 19 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

10

Related posts

Leave a Comment