IT takes two to tango. Ganito rin sa basketball kung saan pinatunayan ng Barangay Ginebra na hindi sila mapipigilan ng depensa lang ng Meralco Bolts.
“Ginebra does a good job clogging the paint defensively. They want you to shoot from the outside. Normally, we do a very good job of shooting at the high percentage. But today, we did not,” wika ni Meralco coach Norman Black makaraan ang Game 1 nila ng Ginebra.
“I thought that hurt us a great deal. Even if we had some open looks, we just couldn’t make it,” pag-amin ni Black.
Sa kabila nito, umaasa si Raymond Almazan ng Bolts na makababawi ang kanyan team sa Game 2 sa Biyernes (Enero 10) sa Quezon Convention Center.
“Breaks of the game. Game 1 pa lang naman. Titingnan namin yung mga maling ginawa namin.” sabi ni Almazan. “Bawi na lang kami sa Game 2.”
Aminado naman si Meralco import Allen Durham na nakuha sana nila ang Game 1 kung gumana lang ang kanilang opensa.
“Our shots weren’t falling. And if a couple of those shots fall, that could kind of loosen up their defense a little bit,” ayon kay Durham.
“Personally, I got to shoot better. I didn’t perform to the best of my ability. So I got to be better the next game,” dagdag niya.
Nagtala lang ang Bolts ng 38 percent field goal, kabilang ang nakadidismayang 21.9 o 7 of 32 mula sa three-point area, kumpara sa 44 field goal percentage ng Kings.
328