FAROLAN MAWAWALA NA SA UP MATAPOS TAKUTIN ANG BLUE EAGLES’ PLAYERS

Frederick Spocky Farolan

Tapos na ang maliligayang araw ni University of the Philippines’ Regent Frederick “Spocky” Farolan, sapagkat binawi ng Board of Regents ng nasabing state university ang rekomendasyon para sa  reappointment ng kontrobersiyal na opisyal.

Ito ay resulta ng kontrobersiyal na facebook post ni Farolan na nagbabanta umano sa mga manlalaro ng Ateneo Blue Eagles para sa ikalawang laban ng UP at Ateneo para sa UAAP 81 Men’s basketball championship.

Umani ng matinding kritisismo ang ginawa ni Farolan.

“Committed to a higher standard of accountability for its members, the Board hereby withdraws its recommendation for the reappointment of Regent Farolan to the Board of Regents,” pahayag ng UP Board of Regents.

4

Related posts

Leave a Comment