Pwede pala gamitin ang programa mo (television, radio or blog) sa pag-atake sa isang tao na gusto mong pabagsakin at hubaran ng kredibilidad.
Tulad sa kaso ni Kris Aquino. Inaatake siya sa radio program ni Atty. Jesus Falcis sa Radyo Singko ng TV 5.
Si Atty. Falcis ay ang abodago at nakababatang kapatid ni Nicko Falcis na idenemanda ng Queen of All Media sa kasong qualified theft.
Isinampa ito ni Kris sa korte ng Mandaluyong last November 16.
Paano ba naman hindi magre-react si Kris, eh pinalalabas umano ni Atty. Falcis na nagbabanta umano sa buhay ng kapatid niya ang aktres.
To quote Atty. Falcis sa umano’y ipinahayag ni Kris na pagbabanta sa buhay ng kapatid niya na si Nicko: “YOU FUCKING ASSHOLE NICKO! DARE TO STEP IN THIS COUNTRY AND YOU WILL BE DEAD.”
Sabi nga ng marami, kahit galit na galit na si Kris, never ‘yan magmumura.
Hindi niya isinusumpa ang kapwa niya. Ang pagiging mahinahon at mabait sa kapwa ay traits na nakuha ni Tetay sa ina na si the late Pres. Corazon Aquino.
Bratinela (brat) man si Kris sa ilang mga pagkakataon, pero kaya ba niyang magpapatay ng tao?
Natawa lang ang karamihan sa ipinapakalat ng kalabang kampo.
Alam naman kasi nila (pro- or anti-Kristeta man) na hindi magagawa ito ng celebrity endorser.
Dahil sa statement na ito ni Atty. Falcis, hindi na nagdalawang-isip si Kris na mag-file ng ng cyber libel complaint laban sa abogado.
Sa ganang akin, nasisira na ang pagkatao ni Kris.
Niyuyurakan na ang kanyang reputation at credibility.
Ayon sa abogado ni Kris, nag-file sila ng 9 counts na criminal cases sa Department of Justice (DOJ) laban kay Jesus Nicardo Falcis III dahil sa malicious and defamatory statements against Kris.
Ayon sa kay Atty. Ricky dela Cruz na abogado ni Tetay: “Ms. Kris Aquino opted to respond to the malicious accusations hurled against her through the legal process. Because she believes that this is the right thing to do. She has full faith in the Philippine justice system. She knows that we are all equal in the eyes of the law.”
“Ms. Kris respects our prosecutors and she now leaves it to them to start the legal process. We believe that Ms. Kris Aquino will get justice because truth is on her side,” paliiwanag ni Dela Cruz.
Sa pagkakaalam ko, kapag nai-file na ang kaso, hindi na pwede itong pag-usapan out of court lalo na sa media.
Ang tawag sa ganito ay “sub judice.” Tama ba ako?
As of this writing, hinahayaan na ni Kris ang korte na magpasya sa kaso.
Sa tambak na endorsement work ni Kris – lalo pa’t Christmas Season na – kulang ang eight working hours sa kanya para tuparin ang mga naturang commitment.
169