GILAS GIRLS, 3rd SA FIBA U16

PUMANGATLO ang Gilas Pilipinas Girls sa pagtatapos ng 2022 FIBA Asia U16 Women’s ­Championship Division B sa pagbigo sa Lebanon sa huling araw ng kompetisyon, 90-68, sa Prince Hamza Sporting Hall sa Amman, Jordan.

Bumawi ang Gilas Girls sa Lebanon matapos ang pagkatalo sa Samoa sa semifinals.

Rumatsada sa third quarter ang Filipina cagers at dinagdagan ang pitong puntos na half time lead ­tungo sa 19-puntos papasok sa ­huling yugto, 67-48.

Nagtulong sina Kristan Geyl Yumul at Gabriella Ramos, ­parehong may tig-20 puntos, para selyuhan ang tagumpay.

Nagdagdag si Yumul ng anim na assist, samantalang si Ramos ay may limang rebounds at tatlong steals pa, habang si Naomi ­Panganiban ay nagposte ng 16 puntos, siyam na rebounds at tatlong assists. (ANN ENCARNACION)

90

Related posts

Leave a Comment