GSW SA WHITE HOUSE

SA unang pagkakataon sa loob ng pitong taon, excited si Steph Curry at ang Golden State Warriors sa pagbisita sa White House sa nalalapit na road trip, matapos magkampeon sa 2022 NBA Finals, ayon sa NBC Sports ­BayArea.

Sa White House official announcement, nakatakda ang pagbisita ng NBA champion sa Enero 17, isang araw matapos ang laro kontra Washington Wizards.

Ang Warriors ay huling tumapak sa White House noong Pebrero 4, 2016, sa panahon ni President Barack Obama at matapos tanghaling 2015 NBA champions.

Hindi nagtungo sa White House ang Warriors nang magkampeon noong 2017, makaraang bawiin ng noo’y Presidente Donald Trump ang imbitasyon matapos sabihin ni Curry na hindi siya pupunta.

Ayon kay Curry: “It’s kind of like the one last moment to reflect on the accomplishment. We’ve all kind of turned a page on what this year really means, but it is a ­really special honor and, you know, all the — what do I call it, drama? — that we went through those two years that we skipped it and whatnot. So, definitely excited, our families are and we’ll enjoy the moment.” (VT ROMANO)

43

Related posts

Leave a Comment