MGA LARO NGAYON:
(SMART ARANETA COLISEUM)
4:30 P.M. — COLUMBIAN VS MERALCO
7:00 P.M. — TNT VS GINEBRA
(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO)
TARGET ng TNT KaTropa na masungkit ang twice-to-beat advantage kasama ang bagong addition na si Ray Parks Jr., kontra Barangay Ginebra San Miguel ngayong gabi sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Susuotin ni Parks sa unang pagkakataon ang KaTropa jersey sa second game na magsisimula ng alas-7:00 ng gabi, kung saan susubukan niyang magbigay ng magandang kontribusyon para sa kanyang bagong koponan.
Nakuha ng TNT si Parks mula sa Blackwater Elite kapalit nina Don Trollano, Tony Semerad at isang first round pick sa 2021 PBA Rookie Draft.
Ito ang pangalawang beses na makakalaban ni Parks ang Ginebra sa loob ng siyam na araw.
Ginebra rin ang kalaban ni Parks sa huli niyang laro bilang myembro ng Elite kung saan nagtala siya ng 14 points, five rebounds, five assists at three steals sa 93-101 na talo.
Kasama ng TNT ang NLEX sa tuktok ng standings sa kartadang 7-1, ngunit manggagaling sila sa dalawang linggong pahinga.
Natalo ang KaTropa sa Road Warriors sa iskor na 116-103 upang matapos ang unbeaten start sa torneo.
Kailangan naman na manalo ang Ginebra upang matablahan muli ang San Miguel Beermen sa pang-apat na puwesto. May record na 5-3 ang Kings matapos matalo sa Meralco Bolts noong Linggo.
Samantala, pananatilihin ng Bolts ang kanilang hawak sa top four sa laban nila ng Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon.
Nasa third spot ang Meralco sa record na 6-2 habang ang Columbian, na may hawak na 4-5 record ay nangangailangang manalo para mapalakas ang chances nila sa quarterfinals.
141