MAGNOLIA 3-2 NA VS ALASKA DAHIL SA LUCKY SHOT NI PAUL LEE

PAUL LEE.jpg

(Ni JJ TORRES)

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Paul Lee matapos maisalba ang Magnolia Hotshots sa Game 5 ng PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum, Biyernes ng gabi.

Isang last-second jumper ang walang takot na ibinato ni Lee para sa 1-point win ng Hotshots at pagku-bra sa 3-2 lead ng best-of-seven title series kontra Alaska Aces.

Naunahan ni Lee si Alaska forward Kevin Racal sa loose ball recovery bago niya ibinato ang baseline

jumper, 1.3 seconds ang natitira, para selyuhan ang panalo.

Ayon kay Lee, ang struggles mula sa simula ng best-of-seven series ang rason kung bakit bigla na lamang siyang napaluha matapos mai-convert ang winning basket.

“Struggle ako buong series offensively,” pahayag ni Lee, na bago ang laban ay may average na 9.5 points at 32 percent shooting. “Pero ‘yung coaching staff and the whole team, lagi nila sinasabi na Kuya Paul next shot, next shot, papasok din yan.”

“Tinira ko lang, luckily ‘yung tamang maganda siya. Sobrang bait talaga ni Lord, alam mo ‘yun? Sa kanila na, tapos ganun ‘yung ending nung game. Wala na akong hiling, napakagandang panalo nun.”

Susubukan ng Hotshots na matapos ang four-year title drought sa Game 6 na gaganapin sa Ynares Cen-ter, Antipolo City sa Miyerkoles.

Kung aabutin pa ng Game 7, ito ay lalaruin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Malaking factor din ang ginawang defensive play ni Lee bago ang kanyang game-winner, nang mapu-wersa niyang magmintis ng dalawang layup si Kevin Racal at Jake Pascual sa isang 3-on-1 fastbreak ha-bang may inaalagaang 76-74 lead ang Aces.

Nakuha ni Lee ang bola at nakita si Ian Sangalang para sa isang three-point play na nagbigay ng 77-76 lead sa Magnolia.

“Yun ang tinuro sa amin from the start, hanggang hindi pumipito or walang deadball, tuluy-tuloy lang,” sabi ni Lee.

16

Related posts

Leave a Comment