UAAP 81 SWIMMING: GOLDEN DOUBLE SA ATENEO

Muling dinomina ng Ateneo ang UAAP swimming competition nang angkinin ang men’s at women’s crown ng Season 81 sa Rizal Memorial Swimming pool kamakailan.

Sa pangunguna ni two-time Olympic Jessie King Lacuna, ang Blue Eagles ay dinagit ang De La Salle at University of Santo Tomas sa nalikom na 475 points upang i-extend ang kanilang paghahari sa limang taon at sixth championship overall.

Sinisid ni Lacuna ang kanyang ikapito at huling ginto sa meet para sa kanyang huling collegiate swim sa pamamagitan ng record-breaking performance sa 200-meter butterfly – – 2:02.69, na mas mabilis sa dati na niyang record na 2:03.93 na naitala noong 2014.

Sa kanyang limang season sa liga, si Lacuna, na kinopo rin ang ikaapat niyang MVP plum, ay nakaipon ng kabuuang 33 gold medals.

Ang Lady Eagles, sa pamumuno ni reigning Athlete of the Year Chloe Daos, ay tinalo naman ang University of the Philippines at De La Salle sa nakulektang 530 points para sa ikalawang sunod na pagrereyna at ikalima namang overall title.

Si Daos, na siya ring naging MVP sa ikalawang sunod na taon, ay kinumpleto ang kanyang seven-gold sweep.

Ang Green Tankers, na nagwagi ng dalawang ginto sa final day mula kina Red Silvestre sa 50-meter backstroke (27.88) at 50-meter freestyle (24.35), ay tumapos na pangalawa sa nakalap na 382 points, habang ang Growling Tigers ay may 180 points.

Pumangalawa naman ang Lady Maroons, winner ng gold sa 200-meter breaststroke na kaloob ni Pricila Aquino (2:49.46) sanaipong 352 points, habang ang Lady Tankers mula sa Taft ay pumangatlo (143 points).

Samantala, double winner naman ang De La Salle-Zobel sa juniors division, nang angkinin ang boys at girls championship.

4

Related posts

Leave a Comment