OBIENA NO.1 SA JUMP AND FLY

DAGLIANG bumawi si Filipino pole vaulter EJ Obiena mula sa sixth place finish sa Stockholm leg ng Diamond League nang mangibabaw sa Jump and Fly meet sa Weiherstadion, ­Hechingen sa Germany.

Nalampasan ni Obiena ang 5.80-meter sa third attempt upang tumapos na first place sa torneo nitong Hulyo 2.

Tinangka niyang mag-set na bagong personal best ngunit bigo siyang talunin ang 5.94-m.

Pumangalawa sa Pinoy si China’s Huang Bokai (5.50-m) habang pumangatlo si Germany’s Vincent Hobbie (5.10-m).

Bago ang Jump and Fly, 6th placer lang si Obiena sa BAUHAUS-Galan sa Stockholm, nang lumundag ng 5.73m.

Dinomina ang nasabing Diamond League leg ni Sweden’s Armand Duplantis sa kanyang new world record 6.16-meter. (DENNIS IÑIGO)

63

Related posts

Leave a Comment