OKASYON PARA SA MGA ATLETA

SEA GAMES

ROLL VTRSORPRESA raw ang mga magaganap sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Hindi gaya noong Sabado at Linggo hanggang araw ng Lunes, medyo hu-mupa na ang mga batikos sa hosting ng bansa sa biennial meet.

Dapat naman.

Dahil ang okasyong ito ay hindi para sa mga politiko ng Pilipinas, hindi rin para sa mga opisyal ng Philippine sports.

Ito ay para sa mga atletang Filipino na naghanda at puspusang nagsanay upang makapagbigay ng karangalan sa ating bansa.

This is their moment!

Sila ang papagitna sa entablado ng kompetisyon simula sa pormal na pagbubukas hanggang sa Disyembre 11.

Kaya ‘yung mga nais umepal o magpa-cute, tabi-tabi muna kayo.

Moment ito ng mga atleta.

Sa opening ceremonies, isang mala-Santacruzan parade ang masasaksi-han, kung saan 11 Pinay beauty queens ang paparada bilang muse ng mga kalahok na bansa.

Tatayong muse para sa Pilipinas si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, habang si Miss World 2013 Megan Young ang babandera sa Indonesia.

Ang iba pang muse: Miss ECO International 2018 Thia Thomalla (Laos), Miss Multinational 2017 Sophia Seronon (Cambodia), Miss International 2005 Precious Lara Quigaman (Malaysia), Miss Intercontinental 2018 Ka-ren Gallman (Brunei Darussalam), Miss Earth 2017 Karen Ibasco (Myan-mar), Miss Earth 2014 Jamie Herrel (Singapore), Miss Earth 2015 Angelia Ong (Thailand), Miss Tourism 2017 Janine Alipoon (East Timor) at

Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel (Vietnam).

Hindi idinetalye kung papaanong sisindihan ni eight-division world box-ing champion Manny Pacquiao ang kontrobersyal na cauldron at iyon daw ang sorpresang dapat abangan ng mga nasa Bocaue at mga man-onood sa telebisyon.

oOo

HINDI pa nagdedesisyon si Philippine men’s basketball team head coach Tim Cone, kung sino ang ipapalit niya kay Roger Pogoy.

Nagtamo ng back injury si Pogoy at pinagpapahinga ng doctor ng ilang linggo.

Sina Greg Slaughter, Scottie Thompson at Art dela Cruz ang natanggal sa final 12 lineup ng koponan at isa sa kanila ang maaaring ipalit kay Pogoy.

Ikinunsidera sanang kunin ni Cone si Jayson Castro bilang kapalit ni Po-goy, pero tumanggi ang veteran national team guard, nais daw niyang gamitin ang two-week break ng PBA para tuluyang maipahinga ang kanyang injury na halos gumagaling pa lang.

414

Related posts

Leave a Comment