(NI ANN ENCARNACION)
DAHIL sa tagumpay sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, iginawad sa mga Filipinong atleta ang Order of Lapulapu.
Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at si Team Philippines Chef de Mission at Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang nagkaloob ng pambihirang award para sa mga atletang nakatulong upang tanghaling overall champion ang bansa sa katatapos lang na SEA Games.
Mahigit 600 medallists sa SEAG ang nagtungo sa Malakanyang para sa awarding of incentives at Order of Lapulapu, ang pinakamataas na karangalan na ibinibigay lamang sa mga natatanging personalidad.
Dumalo rin sa naturang okasyon sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Philippine Olympic Committee President Cong Bambol Tolentino, Philippine SEAG Organizing Committee Chairman at Speaker Alan Peter Cayetano, Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, Charles Maxey, at mga pinuno ng iba’t ibang national sports associations.
Base sa batas, pagkakalooban ang gold medalists ng P300,000, P150,000 sa naka-silver at P60,000 para sa mga bronze medallist.
Kabuuang P79 million ang naipamahagi sa lahat ng Pinoy athletes na nanalo ng medalya sa 30th SEAG.
270